10. She's my worst nightmare

492 6 0
                                    

"T-..Tu..Tutee? B..Bakit dyan ka natulog?"

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up...

One soft voice that made my heart beat faster. A big smile is seen on my face. And I just don't know what to do but one thing, I know for sure. 

She survived.

She didn't give up.

"Lychee!"

-

Nakakatuwang isipin na may tao palang darating sa buhay mo na hinding hindi kang magagawang sukuan. Ni kahit anong problema ang dumaan o kahit anong alitan man ang mangyari, nandyan pa rin siya. Maaring hindi mo kasama dahil minsan napapagod siya, umaalis. Pero alam  mo yung nakakatuwa at nakakakilig na part? Yung bumabalik siya sayo.

Dahil narerealize niya na hindi niya kaya ang wala ka.

Swerte mo kapag nahanap mo na yung taong yon at nandyan na siya sa buhay mo. Aba, daig mo pa yata ang nanalo sa bingo, jueteng, at lotto! Dahil maraming tao ang nagaaksaya ng oras para lamang mahanap ang taong ganon para sa kanila. Maraming tao ang sumuko na, naghahanap pa rin, at ang iba ay malapit ng sumuko. Maraming umiiyak dahil wala silang ganon. Pero isipin  mo, ikaw. Meron. 

Dapat pinapahalagahan natin kung anong meron tayo. Alam mo na dapat ang halaga nila sa buhay mo. Dahil sa iglap..

Pwede ang lahat na mawala sayo...

Pero ano nga ba ang pinagda-drama ko pa?! Baluga na talaga ako =______=

E sa katunayan, masayang masaya ako. 

Buhay si Pandee. Buhay na buhay ang taong mahal ko. 

~

"Dalhin moko don daliii!" Tinuro niya yung puno na mapink-pink ang leaves. 

"Aish. Buti pa noong tulog ka, hindi ka bossy" Reklamo ko. 

"Osige, papacomatose ulit ako"

"Joke lang to naman. Eto na ohh. Teka"

=_____=

Nakakamiss din ang kasamaan ng ugali ni Lychee, no? Narito pa rin kami sa hospital. Apat na araw pagkatapos ng nangyaring pagtawag niya sakin, naging mas okay na siya. Pero yon nga lang, naka-wheel chair pa siya. Kaya eto, personal alalay na ngayon ang buhay ko. Gusto niya kasing mag gala gala kaya ito, pumayag naman ako para hindi naman siya kulong na kulong sa kwarto.

"Dali naman, Mark. Sino ba satin ang baldado? Ako yata diba?"

"Teka lang naman, ang bigat bigat mo kaya. Tsk"

Yon nga lang, lalong naging reklamador. Sus. Feel na feel niya siguro yung sinabi ko sa kanya na babawi ako. Teka lang. Flashback muna tayo sa nangyari pagkatapos niyang magising...

*Flashback*

"Lychee!"

Tumayo agad ako noong nakita kong bukas na ang kanyang mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit! Nawala na nga sa isip ko na pwede ko siyang gawing human pancake pero basta, namiss ko lang yung ganda ng mga mata niya. 

"Ugh..Ma..Mark.." Mahina niyang bulong. 

"Ay sorry" Umalpas na ako sa yakap na yon at nilagay ko ang magkabilang palad ko sa magkabilang pisngi niya. Tinitingnan ko siya ng punong punong puno ng saya. 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon