Slowly

652 12 0
                                    

Mark Lurves (HIS) P.O.V.

"You know what? Ang kapal ng mukha mo. Ang kapal ng mukha mo na laitin yung kapatid mo na gago manyak malandi at kung ano ano pa When in fact, magkaparehas lang kayo at--"

"Wait. Anong sinabi mo?"

"Magkaparehas lang kayo. Parehas kayo ng ugali. Magkapatid nga kayo"

Her eyes filled with tears and raging fear. 

My hand gripping her arm tightly.

The tension between us.

And my heart breaking into two as those tears in her eyes fall down. 

That heartbreaking scene. 

I can feel her heart breaking.

I can feel her hopes going down.

I can feel that she's exhausted.

With everything.

With me. 

Nasapo ko yung noo ko sa pagiisip. Nakaupo ako dito sa kama. Lasing na lasing ako pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Parang nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko ngayon sa pagkalasing ko. Bakit nga ba ako nasasaktan? E kung tutuusin,  ako nga ang may kasalanan ng lahat. Inaamin ko naman. Ako ang may kasalanan ng lahat.

Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako para sa kanya.

Di pa rin maalis sa alaala ko kung anong malas at leche at inabot niya sa party na yon ni Chevelle. Grabe. Napakaselfish ko. Yon lang naiisip ko ngayon. Napakaselfish ko. Dinala ko siya doon para ipaglandakan sa kanila na kaya kong pagsabayin ang mundo namin na magkaiba. Para ipagmukha ito kina Drei. Magagandang salita lang. Yon yon.

Pero di ko lang talaga masabi na. 

Dinala ko siya out of my selfishness.

Ni hindi ko man lang naisip na bago siya sa mundo ko at maari siyang mapahamak.

Yan napahamak na nga. 

Nilait lang siya don. Minaliit. Tinapak tapakan ang pagkatao. Pinagkaisahan. At ang masama pa, binastos pa ng gago kong kapatid. 

At ako? Anong ginagawa ko?

Nakikipagsaya. Nakikipaglandian. Di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nagawa ko lahat yon. Siguro alak? Oo tama, alak. At isa't kalahating kagaguhan at kalokohan. 

Pero mahal ko siya, sobra.

Sa buhay natin, talagang may nagagawa tayong mga bagay na hindi natin gusto, hindi natin sinasadya. Minsan bugso ng nararamdaman, bugso ng pangyayari lang. At tama nga sila nasa huli ang pagsisisi. Pero walang "huli na" para itama ang mali. Hindi ba?

Bumalik ulit sa alaala ko lahat ng nangyari. 

"Ugh! Gago ka Mark. Napakagago mo" nasuntok ko yung pader na sinasandalan ng kama ko.

Di pa ako nakuntento at sinuntok ulit ng isa pa ang pader. Isa pa. Isa pa. Di ko inaalintana yung sakit at hapdi na nararamdaman ko sa kamay ko. Dugong dugo na yung kamao ko pero gusto ko pang sumuntok. 

Napaupo ako sa sahig. At umiyak ako ng malakas. 

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGHHHHH!" sigaw ko ng malakas. Umiyak lang ako ng umiyak sa sahig. Ano ba nangyayari sakin? Dahil ba to sa alak? Basta ang alam ko lang ngayon. Gusto ko saktan ang sarili ko.

Dahil sa kada maalala ko ang luha na pumapatak sa mata niya kagabi, sa bawat masakit na salita na nasabi ko sa kanya. Sumisikip yung dibdib ko. Kumikirot yung puso ko. 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon