The Big Game

500 9 0
                                    

YeppoMeNote:

Hello! Basahin niyo pong mabuti at pilitin na intindihin itong chapter na ito. Hahaha. Kasi medyo magulo to na may malalaman kayo. Mystery kamo. God bless!

Don't forget to vote ha?

Dedicated to one of my favorite authors. Nakakausap ko siya sa DM at sa Twitter kasi mabait siya. Oh yes <3

~~~~~~

Mark Lurves' P.O.V.

"What team are we?"

"Roaring Lions!"

It is the day of the big game. Dito na magkakaalaman kung sino ang panalo this year. Although, alam ko naman na kami NANAMAN ang mananalo over the rival team, hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa mangyayari. Mamayang hapon pa yung game, naresched ng di ko alam ang dahilan kaya naisipan ko munang matulog. 

Ayaw din naman ni Coach na magpractice pa kami. Mapapagod lang daw kami. Besides, alam niya na kaya na namin. Pagkagising ko, saktong biglang may nag-door bell. At pagbukas ko ng pinto, wala naman na tao. Adik lang? 

Sasaraduhan ko na sana ang pinto ng mapatungo ako at nakita na may basket sa may pinto. Binuhat ko ito at binuksan sa loob. 

"Drink it with love, Captain. -LM"

Uhh? Ano daw? Binuksan ko yung basket at nakita na puro Energy Drink ang laman  nito. Ayos! Hahaha. Siguro galing to sa fan ko. Sagad talaga kagwapuhan ko. Pero sinong LM? Parang nakita ko na yun kung saan o narinig. Ay ewan, di ko matandaan.

Habang nanonood ng TV, ininom ko yung Energy Drink. Di ko namalayan tuloy na naubos ko na pala lahat T_____________T Ay ano ba yan. Tumayo ako para maligo kasi pupunta na ako sa Gym ng nakaramdam ako ng matinding hilo. 

Tuloy ang lakad ko papuntang CR. Nagdidilim paningin ko. Umiikot lahat sa paligid ko. Anong nangyayari?

"Tutee! Gising! Gising!"

Boses niya yun, naririnig ko. Pero bakit di ko magawang lumingon o tumigil? Pakiramdam ko nakalutang ako habang naglalakad papunta sa CR. Malabo na paningin ko.

"Tutee! Mark, please. Gumising ka. Iligtas mo ako!"

Narinig ko ang mga iyak niya. At bumagsak na ako sa sahig. Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko, lumulutang talaga ako.

"Tutee, wag mo akong iwan please, iligtas mo ako!"

Pandee...

Patawarin mo ako...Hindi ko kayang tumayo...

"You're so weak, little brother. Hahahaha"

Boses ni Matt yun, ang lintik kong kapatid. Boses niya yun. Nasaan siya? Bakit hindi ko siya makita? Pilit kong tumayo pero nabuwal pa rin ako. 

"Hahahaha. You'll never win against me"

"That's right"

Ibang boses na yon. Bigla ko na lang nakita ang pigura ni Christian kasama si Matt. Nagtatawanan sila. At bigla kong narealize na nakatali ako sa isang poste. Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? 

Lumapit sakin si Christian na may dalang dos por dos at agad na inihampas ito sa ulo ko. Napailing ako sa sakit. Pero di ako nawalan ng malay dahil may narinig ako...

"Tutee! Help me, please!"

Tutee? Ako yun diba? Saan ko nga ba narinig yon? Bakit naging ako yon? 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon