Shattered Heart Pieces

505 9 1
                                    

"Tutee..."

And I saw a huge crowd surrounding us. And I saw the guy molesting me a while ago in the floor, halos walang malay pero lumalaban pa rin.

Lumalaban kay Tutee.

"Gago ka! Girlfriend ko yan. How could you?! Lahat nalang ba aagawin mo sakin?!" sigaw ni Tutee. What does he mean by "lahat"

"OO! Alam ko magagalit ka kapag ginawa ko yon kaya ginawa ko! HAHAHA. And once again, I succeeded"

"Gago ka pala eh!" at inumbagan ng suntok ni Tutee yong lalaking yon.

"Parehas lang tayo my little brother" Little brother?!

"Wag na wag mo akong makukumpara sayong gago ka! Kapatid nga kita pero hinding hindi tayo magkaparehas!"

At nagkasunod sunod ang murahan at suntukan. Gusto ko silang pigilan pero wala ako talagang magawa. I just sat there. I hugged my knees and closed  my eyes prayin' that the noise would stop.

Tutee...

Nasaan na ba si Tutee...

Gusto ko ng umuwi...

Di ko alam ang naisipan ko. Gulong gulo na ang utak ko kaya kinuha ko yung bag ko at tumakbo papalabas. Gusto ko ng umuwi. Yon lang nasa isip ko. Gusto ko ng umuwi at matulog. Ipahinga yung utak ko at paggising ko sa umaga marerealize ko na isang masamang panaginip lang pala ang lahat. 

Nagabang ako ng Taxi at pagkalingon ko sa likod, saktong paglabas ni Tutee. 

Oh ano ngayon? So hindi na siya lasing ganon? Tumalikod ako at kunwari di ko siya nakita. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap ako sa kanya.  

"Did you see what you've done?!" sigaw niya sakin. What I've done? So ako sinisisi niya? Sorry naman diba! Sorry dahil minolestya ako no? Sorry dahil nasaktan ako. Yung dugo ko sa baba at katawan ko umakyat sa ulo ko. Gusto kong makapanapak ngayon..

"What I've done? So? Ako ngayon may kasalanan?"

"Oo! Sino ba naman kasi yung babaeng nakikipaghalikan sa gago kong kapatid? Seriously! Of all people? Of all people talaga, siya? Diba sabi ko sayo wag kang makikipagusap sakanya? Di ba sabi ko sayo lalayuan mo siya?"

"Stop it! Una sa lahat di ko agad siya nakilala. At pangalawa, ako ba? Sigurado ka ba na ako ang unang humalik? Ang lakas  mo mangjudge ah! Kapal ng mukha mo! Eh sino ba satin yung nakikipaglandian kay Chevelle ha? Ang kapal ng mukha mo manumbat!" 

"Ako? So it's my fault now" He laughed. "Nakikipaglandian? Eh paano ba naman kasi para kang tuod! Para akong nagdala ng isang upuan dito sa party na to. You don't even talk to my friends!"

"Talk to your friends? Kaibigan mo na mukhang ulupong na lagi nalang akong minamaliit? Bakit di mo ako kayang ipaglaban ha?!"

"Ipaglaban? Hindi pa ba yon ang ginawa ko kanina? Iniligtas kita sa gagong kapatid ko na kasa-kasama mo kanina"

"Kasama ko? Oo! Kasi wala ka! Kasi siya yung tumatabi sakin at hindi ikaw. Pakiramdam ko kinahihiya mo ako. Pakiramdam ko. Ayaw mo sakin. Pakiramdam ko di mo ako tanggap! Tama ba ako?!" sinigaw ko yon habang pinaghahahampas ko siya. Natahimik siya. 

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin na kinagulat ko. Una kasi di ko alam na umiiyak pala ako ulit. Pangalawa, tanga ba siya? Tatanong pa siya?

"Malamang! Kasi nasasaktan ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Alam mo ba yung pakiramdam na parang tama yung hinala ng lahat tungkol sayo? Tungkol sa taong mahal na mahal ko?"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon