09. She's a pain in the ass.

506 4 2
                                    

09. She's a pain in the ass.

Mark's P.O.V.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula noong kumuha ako ng exam. Ngayon daw malalaman ang resulta. Kaya inihahanda ko na ang sarili ko. Kamusta na kaya si Pandee? Text ako ng text, tawag ng tawag at hinahanap ko rin siya pero wala siya. Hindi ko mahanap. May nakapagsabi na may inaasikaso daw na papeles? 

Papeles para saan?

Hays =_____= Ang sakit para sakin tingnan yung relasyon namin na naglie low na. Alam niyo yon? Hindi ko alam kung kamusta siya. O kung ano nangyari. Pero sa test ko, alam ko makakapasa ako. Dito ko maiproprove na okay ako. Na totoo ako sa kanya. 

Maaga ako na pumasok sa Office ni Mrs. Rosenburg. At mukhang hindi naman siya gulat sa maaga kong pagdating. 

"I've been expecting you to come early. Excited much, Mr. Lurves?"

"So, ano? Pasa ba ako?"

"Why don't you see for yourself?"

Ngumiti siya sakin at inihand sa akin ang isang brown envelope. Tiningnan ko muna siya na tumalikod na sa akin. Dahan dahan kong binuksan yung envelope. Kinakabahan ako. 

Papel. Yun ang laman ng envelope. 

"Ano to?" Sabi ko habang hawak ko yung papel. Ano ba yun =___=

Humarap si Ngot sakin. "Basahin mo kasi"

"Yon nga eh. Ayoko"

"You should read it"

"I don't want to. Just tell me"

"Basahin mo, Mr. Lurves"

"Ayoko nga sabi. Sabihin mo na nga lang kasi kung--"

"Okay, fine! You failed. Okay? You failed. Babasahin lang, kinakatamaran pa"

YOU FAILED. OKAY?

YOU FAILED. OKAY?

Parang tumigil yung mundo ko sa narinig ko. Paulit ulit umaalingawngaw sa tenga at isipan ko yon. Lumakas yung tibok ng puso ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"F-failed?!"

"Yes, failed"

"PERO PAANO NANGYARI YON?! Sa pagkaalam ko, marami akong nasagot na alam kong tama"

"Sorry, Mr. Lurves. But that's the result. See you again, next year"

Malungkot akong lumabas na hawak yung papel ko. That explains kung bakit may "F" na nakasulat sa taas na kulay pula ang tinta. Naupo ako sa bench sa harapan ng Office. Natulala lang ako. 

Parang di ko alam gagawin ko ngayon. Failed na nga ako, kailangan ko pa magpasa ng Essay tungkol kay Pandee. Madali lang sakin yon pero paano na si Pandee? I sighed. Sabagay, ako naman magpapaaral sa kanya. Wala akong dapat intindihin. 

Pero kinakabahan pa rin ako. 

"Okay lang yan" 

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko at pinat ang likod ko. Mabagal kong tiningnan siya sa gilid ko. At isang ngiti na sobra kong namiss ang bumungad sa akin. 

"S-Sorry, Pandee" Yon lang talaga nasabi ko agad. 

"Okay lang, Mark. Naasikaso ko na naman yung papeles ko"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon