6.2

562 11 0
                                    

6.2

"Bakit nasaan siya?"

"Nasa sarili niyang party, anak. Kaya don't worry, pupunta ako mamaya sa bahay. Nakausap ko na rin ang Mom mo. Tonight, we'll be a family again"

"No,  Dad. We've always been a family. Malayo man o malapit. Merry Christmas, Dad"

"Merry Christmas din, anak"

Ngumiti ako at niyakap si Dad ng mahigpit. Nakakatuwa naman tong araw na to. Noong iniwan kasi ako ng babaeng yon na tulala sa sofa, naisipan ko na puntahan si Dad para imbitahin mamaya. Wala lang. Ni hindi ko nga alam kung may handa kami o wala. Hindi ko kasi alam kung may plano si Mom o wala. Ang alam ko lang, I want my Dad to be in our house this Christmas eve. Just for a change. 

And yep, buti nalang nasa "sarili" daw na party ang gago kong kapatid. Pheeeew T___T Buti nalang kundi sira ang Pasko ko sa kanya. 

Lumabas na akong bahay ni Dad at pumasok sa kotse ko. May isa pa akong pupuntahan bago ako umuwi. Inilabas ko yung hindi kagandahan na hikaw sa bulsa ko. Bibigay ko nga pala to. 

Kay Mrs. Rosenburg.

Oo, tama kayo ng nabasa niyo. Bibigay ko kay NGOT. Regalo ko para sa kanya sa Pasko. Ewan ko ba kung ano ang naisipan ko kung bakit ginusto kong regaluhan siya. Basta ang alam ko noong tumingin ako sa mga mata ng babaeng yon, naalala ko yung sinabi ni Mrs. Rosenburg.

"Someday, you're going to thank me for this"

And she's right. Maraming nagbago. Sakin. Sa kanya. Samin dalawa. And just thinking about it makes me smile. Kaya ito, binili ko siya ng di naman kagandahan na hikaw. Tapon niya kung gusto niya. Basta ako nagbigay ako. 

Pagkatigil ko ng kotse, nakarinig ako ng malalakas na soundtrip mula sa bahay nila. Eh? May partehhh? Hahaha. Party ng mga 60's? HAHAHA. Kumatok muna ako syempre at sakto namang pagbukas...si Mrs. Rosenburg agad.

"Paskong pasko, ikaw ang nakikita ko" Aba ito agad ang bungad sakin?!

"Mrs. Rosenburg! Hindi po ba kayo natutuwa na pumunta ako dito?"

"Hindi"

"Okay. That's a very honest answer. Anyway, nagpunta ako dito para.."

"Para guluhin kami? Para sigawan kami? Ano? Come on, Mister Lurves. Marami pa akong gagawin"

"Grabe naman kayo! Ito nga kasi may dala  akong regalo para sa inyo. Yan oh!" sabi ko sabay nilagay ko sa kamay niya yung box ng hikaw. "Sabihin mong sumasabog yan, papasabugin ko rin bahay niyo"

"Ah..ano to?"

"Baka pwedeng buksan niyo po?"

"You open it. I don't trust you"

"Mrs. Rosenburg naman! Wala kayong tiwala sakin?"

"Wala"

"Okay fine. See, binili ko talaga yan. Regalo ko sa inyo this Christmas"

"And why did the Casanova slash naughty boy thought of giving me a gift?"

"Cause you were right. And thank you gift ko na rin yan"

"Para saan?"

"Para sa punishment na binigay mo sakin. It turns out...It's the best thing that happened to my life" Mabagal kong sinabi yon. At unti unting napalitan ng ngiti yung simangot sakin ni Mrs. Rosenburg. At yung mga mata niya parang nakakaloko.

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon