I won't give up.

486 8 0
                                    

Totoo nga na may mga bagay at pangyayari na makakapagparealize sayo ng mali na nagawa mo. Yung bagay na mapapa-snap ka na lang ng fingers mo at masasabing, "Talagang nasa huli ang pagsisisi!" Maiiyak ka na. Masasapo mo na yung noo mo. Mapapasuntok ka na lang, mapapamura. Wala ka ng pag-asa. Ngunit sa huli, luluhod ka sa Kanya at hihingi ng tulong. Umaasang marinig ka Niya na para bang limot na Niya ang mga ginawa mong kalokohan sa mga taong nasa paligid mo. 

Desperado ka na sa lagay na yon. Miski yung ayaw mo, magagawa mo. 

Makuha lang ang gusto mo. 

Desperado na si Mark. 

Ngunit hindi siya kagaya ng isang bata na kapag desperado ay nagtatantrums at nagpapapadyak na lang sa isang tabi para makuha ang gusto na kendi. Dahil mahirap isalba ang buhay ng isang tao.

Mahirap ibalik ang buhay ni Lychee. 

-

MARK'S P.O.V.

5TH DAY IN THE HOSPITAL

"Doc, seryoso ako. Nakita kong pumatak ang mga luha niya habang kinakantahan ko siya noong nakaraang araw lang!" 

Inayos ni Doc ang stethoscope niya sa leeg at humarap sakin. Umiling iling ito. Ayoko ng ganyan. 

"Well, maybe? Pero wala pa kasing improvement ang katawan niya. She is still in coma. And still unconscious and lifeless. But I just want to remind you that she's going to undergo another operation this evening. This will surely make an improvement dahil tatanggalin natin yung mga dead tissues sa parteng ulo niya"

(Lol. Whut? Hahaha. Pagpasensyahan niyo na ha? Basta! Narinig ko na yan somehow but hindi yan ang exact words so makiride na lang kayo sa trip ko. Hahaha)

"Thank you, Doc"

"And I want you to brace yourself for this operation, it's her brain we're going to tamper here. So, it's either she'll make it or--"

"She'll make it, Doc. Need I say more? Thank you po"

Tumango siya sakin at pumanhik na palabas ng kwarto namin. Napasigh lang ako paglabas niya. Tiningnan ko si Lychee ng maigi. 

Sa tuwing titingnan ko siya ng ganito, hindi ko maiwasan na maiyak. Ayoko man aminin pero parang nawawalan na ako ng pag-asa. Pero jusko, Mark. Limang araw pa lang, susuko ka na? Wag. Tama, hindi ako susuko. Pero kasi ano bang dapat gawin ko bukod sa mag-intay na magising siya? Gusto kong isipin na meron pa. Meron. Dapat meron. Hindi pwede yung tatanga tanga lang ako dito, nakanganga, nagiintay para magising siya. 

Pero wala e, hindi ko hawak buhay niya. 

Kaya nga ito, napapatambay na ako madalas sa chapel para manalangin para sa kanya. Lakas niya sakin no? Minsanan ko lang nagagawa noon ang ganito pero ngayon halos oras-orasan ko na. Bumibisita naman dito yung pamilya ni Pandee. Salitan kami sa pagbabantay sa isang taong walang malay. Pero yon nga, naalala niyo pa ba yung kuya niya na noon ay kakatapos lang sa operasyon sa bituka ba yon? Basta. Ako yata nagbayad noon sa hospital bills nila? Pasurprise. Yon. Medyo inaatake nanaman ng sakit niya. Kaya sabi ko sa magulang niya na okay lang kung ako na magbabantay muna kay Pandee. Tutal, okay na okay naman sakin. 

"Hijo? Kamusta ang anak ko? Okay na ba? Ano sabi ng doctor? Kelan daw siya magigising?"

Natigil ako sa pagiisip sa sunod sunod na tanong ng kapapasok pa lang ng kwarto na si Mr. Pascual. Oo, bati na rin kami niyan. Hihi. 

"May operasyon daw po mamayang gabi. Konektado daw po sa utak niya kaya sabi ni Doc, maghanda daw po tayo. Dahil.." Tumigil ako sa pagsasalita. Ayokong sabihin na mawawala siya. "Pero alam ko po na makakasurvive siya dyan! Siya pa, amazona po yata yang anak niyo. Walang hindi kinakaya"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon