05.03

842 9 0
                                    

05.03

♪  I'm falling for you

    Finally, my heart gave in

    And I'm falling in love

    I finally know how it feels

    So this is looove    ♪

Mekeni hotdogs T_______________T 

LSS ako! Buti nalang walang nakakakinig sakin dito sa kotse habang kumakanta ako. Tulog kasi yung butanding na maingay dito eh. Baka napagod sa kadamihan ng nangyari ngayong araw na to. Hayy. Miski ako napagod sa mga nangyari ngayon. Kasi once again, napaaway nanaman ako. Pero okay lang, para sa babaeng to naman yung mga sugat ko. Kung siguro wala ako, baka kung saan nanaman siya nadala noong mga lalaking yon.

Bakit ba kasi ang lapitin niya sa gulo?? >______< 

And ako naman

Ako yung laging nag-liligtas sa kanya. Aw.

Paano na kaya kapag wala na ako sa tabi nito? Paano kapag tapos na yung Punishment naming dalawa at kailangan na naming bumalik sa buhay naming dalawa noon? 

:(

Nalungkot ako bigla.

Ayoko ng mawala pa sa tabi niya. Kung babalik man kami sa dati naming buhay noon, pwede bang isama ko siya? Isama ko yung mga magagandang alaala namin? Hoy. Yung pantritrip ko sa kanya, yung away namin, sigawan, kulitan at kung ano anong kalokohan. Magandang alalaala na yon sakin no!

Syempre, kasama ko siya non e.

"Urr.." she groans. Gising na yata to. Unti unti siyang gumalaw ng itigil ko ang kotse sa harap ng bahay namin. Minulat niya yung mata niya tapos tumingin tingin sa paligid. Tapos tumingin siya sa katabi kong bintana.

"Te..Teka! Bahay ba namin yan? Bakit biglang lumaki? Regalo mo?!" sabi niya habang kinukusot yung mata niya kasi parang di siya makapaniwala na ganoon kalaki bahay namin.

"Hindi no! Bahay namin yan. Tara muna sa loob" sabi ko sabay tanggal ng seatbelt ko. Bubuksan ko na yung pinto ko ng hinawakan niya ako..

"Teka? Anong gagawin ko dito? Hindi naman dito bahay ko diba? Tutee ha. Di porke't medyo nahahalata ko na  may crush ka na sakin e, papayag na ako sa ganito. Nako! Magagalit ang Tatay ko! Bata pa ako Tutee" sabi niya sabay niyakap niya ang sarili niya. 

Ano daw? Di ko siya maintindihan? O_____O

"Ha? Anong bata pa?" tanong ko sa kanya tapos pinalo niya ko ng malakas.

"Ehhh! Ikaw naman e! Di pa nga kasi! Saka na Tutee. Kapag mahal mo na ako, pwede na. Ha? Tsaka yung mga ganyang bahay gusto ko sa kasal na. Mataas dignidad ko no!" sabi niya tapos ngumiti siya. Teka lang, gets ko na tong pinagsasasabi ng babaeng ito. The heck. Naisip niya yon?

I mean...

Naisip niya yon? 

Iyon ay gagawin ko sa kanya?

Pheewww T____T

"Hoy. Masyado ka naman yatang ambisyosa sa katawan ko. Di ko gagawin yon sayo no!" sabi ko sabay lumabas na ako ng kotse ko. Lumabas din siya tapos sinundan ako.

"Eh anong gagawin natin dito?" lumakad siya papalapit sakin.

"Magpapalit ako. Kita mo nga, basang basa ako tapos wala pa akong sapatos. Hindi naman ako pupunta sa inyo ng ganito ang itsura ko no?" 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon