"Jagiya"

443 5 0
                                    

Dedicated to my Ate Idol <3

-

"Let's start the story by introducing myself to you....

..  I'm Lychee Pascual. President ng Scholar's Guild. Supposed to be Prom Queen2014. And Mark's double ex-girlfriend"

Iniabot ko yung kamay ko sa kanya at tiningnan niya lang ako na nagtataka. 

"And what has that supposed to mean? And ano yung double ex-girlfriend? Do you want me to press this ice bag again on your ankle? Baliw ka na yata ehh?"

I sighed. Di talaga siya makaintindi =______=

"Double ex girlfriend. Ex na niya noon, ex na rin niya ngayon" 

Ang sakit banggitin na "ex" ka na ng taong minamahal mo no? Ang sakit lang talaga.

"Paanong noon?"

"Kwe-kwentuhan kita"

Inayos ko yung upo ko sa sofa at siya naman, tiningnan ako ng maayos. Parang desidido na makinig talaga. Although, di ko alam kung mapapagkatiwalaan ko ba itong kapatid niya o hindi. Kasi mukhang hindi. Pero bahala na. Lumalabas ngayon na mas dapat pinagkatiwalaan ko pa pala siya kasya kay Tutee na niloko ako ng paulit ulit. 

"First year high school pa lang kami ni Mark, magkaklase na kami. Kakatuwa no? Magkasection pa kami noon. Batuta pa lang kami noon pero gwapo na siya talaga. Marami ng mga babae ang nahuhumaling sa kanya. Mabait siya. Matalino. Kaso yun nga lang, dahil sa gwapo siya. Naging playboy siya. Noong Second Year kami, yon. Di pa rin nawawala ang pagkacrush ko sa kanya at--"

"Ang adik mo naman"

"Oo, adik ako. Pakielam mo ba? Basta, mahal ko na siya noon. Siya ang first love ko. Kornybells ba? Hahaha. Akala ko nga wala na talaga akong pag-asa noon. Kasi sino ba naman ako para pansinin niya diba? Then isang araw, may naginvite sa akin sa isang party. Natuwa ako noon noong nalaman ko na pupunta rin noon si Mark. Noong time na yon, di na kami magkasection dahil unti unti na siyang nagiging busy sa mga babae niya dahil nagkaroon na sila ng banda noon. Mas dumami ang girls niya. Hangga't sa loob ng party na yon. Nagpaganda talaga ako. Gusto ko mapansin niya ako. Alam mo ba na ako pa mismo ang yumakag sa kanya na magsayaw kami?"

Unti unti kong naramdaman na sumakit ang ilong ko. Naiiyak nanaman ako. Kaya ayokong ikwento to ehh. 

"Pumayag siya. At yon na yata ang pinakamasayang nangyari sakin. Pagkatapos namin magsayaw ay tinanong niya ang pangalan ko. Tapos sabi niya, alam naman daw niya na yon pangalan ko. At alam mo ba dinala niya ako sa Garden noon. At hinalikan niya ako"

"Hinalikan?"

"Oo. Hinalikan niya ako sa mga labi ko. Imbis na magalit ako, natuwa pa ako. Ang landi ko no? Hahaha. Wala e, mahal ko talaga siya. May nakita ako sa kanya na isang bagay na hindi ko alam kung ano. Isang bagay na nakapagpainlove sakin sa buong pagkatao niya. Isang bagay na di ko alam kung bakit di ko siya magawang iwan. At noong gabing yon, naging kami. Kami as in"

"Ows? Di ka nananaginip?" Sinapok ko siya ng isa. Panira ng moment ehh.

"Hindi ako nanaginip! Naging kami. Kaso hindi kami nagtagal. Pero naging masaya kami. Dinala niya ako sa mga magagandang lugar. Binili pa nga niya ako ng Batman Shirt kasi siya daw si Batman. At siya ang bahala sakin"

"Korny"

"Che! Tapos dinala niya ako sa Arcades. At natuwa naman ako sa big Panda na nandoon. Kaso wala akong tickets non. Gustong gusto ko yon. Kaya nagpromise siya sakin na ibibili niya daw ako noon. At naniwala naman ako. Tuwang tuwa ako kasi pakiramdam ko masayang masaya kami. Masayang masaya ako. Ipinakilala niya rin ako sa mga kaibigan niya pati sa Nanay niya."

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon