Chapter 7.3

582 18 3
                                    

Chapter 7. 3

She's afraid to fall and he's the reason why.

-

HER P.O.V.

*sniff sniff*

Pagkatapos noong nangyari, di na ako lumabas ng kwarto. I didn't even bother to eat Dinner. Sabi ko busog ako pero sa loob loob ko lang, kahit magutom na ako ng buong buhay ko. Maibalik ko lang ang panahon. Hayy T_____T

Naalala ko yung nangyari kanina. That contest was one of the contests that are so important to me! How can he spoil it? Pero wala naman ako magawa kundi umiyak.

Ayokong iwan siya.

Kahit alam kong magkaibang magkaiba ang mundo namin. Di pwedeng ibalance. Di pwedeng pagsamahin. Sasabog lang siya gaya ng isang molecule. Di pwede. Pero bakit parang feeling ko gusto niya kong dalhin sa mundo niya? Gusto niya akong ibahin. Ano ba gusto niya palabasin? Na ayaw niya sakin bilang ganito?

Wag ko na nga lang isipin!

I can't stay mad at him. I admit it. I love him too much. Hindi ko man masyado pinaparamdam, totoo. Mahal na mahal ko siya. Sobra pa sa inaakala  niya. Mahal ko siya simula pa noong una. Hindi nagbago at hindi nawala yon. Kaya kahit sinira niya halos ang career ko.

Osige na, magpapatawad na ako. Ganon talaga kapag mahal mo isang tao e. Papatawarin mo kahit di naman humihingi ng tawad sayo. I sighed and cried again. 

Tatawagan ko na siya sana ng mauna siya. Nagring ang cellphone ko ng 11pm na ng gabi. And I'm glad he called. Kala ko nalimutan na niya ko. 

Sinagot ko.

"He-Hello?"

"Sorry" That was all I heard before it turned into major silence. Parang black out. Noong narinig ko yung salitang yon, tumulo yung mga traydor kong luha. I can't stay mad at him. 

"It's okay Tutee. Di na ako galit"

"Sorry baby. Sorry. Sorry. Sorry"

"Okay na. Oka--"

" ♪ Pakisabi nalang na mahal ko siya. 

 Hindi na baleng may mahal siyang iba. 

 Pakisabi nalang wag siyang mag-alala. 

 Hindi ako umaasa. 

 Alam kong ito'y malabo.

 Di ko na mababago. Ganon pa man.

 Pakisabi nalang." ♪

Nagulat ako. Bigla siyang kumanta.

At ang kinanta pa niya ay yung walang ka konek konek na kanta T___T Pero lalong tumulo yung luha ko. Kanta ko to sa kanya noon. Noon pa. Noong una pa man. Dahil walang humpay akong nagiintay noon sa kanya. Pero ngayon nakakatuwa kasi siya na ngayon ang kumakanta nito sakin.

"Ih-Ikaw naman ang mahal ko ah? Wala akong mahal na iba, Tutee. Ikaw lang"

"Ta-talaga? *hik* Kahit sinira ko yung *hik* araw mo? Ako pa din *hik* ma..mahal..mo? *hik" 

Lalong nababasag ang puso ko sa pagkabasag ng boses niya. Para siyang lasing. Di kaya lasing to? Naglasing? Pero bakit? T____T

"Oo naman. Ikaw pa rin. Hindi basta basta mawawala yung pwesto mo sa puso mo. Tandaan mo yan ha? Hindi mawawala ang pagmamahal ng isang tao ng dahil lang sa maliit na away. Tandaan mo rin yon ha?" 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon