Chapter 2

47.5K 1.7K 933
                                    

Roxette's POV

Masaya ako dahil muli akong nakabalik dito sa mundo. Ang dami kong na-miss. Lalong-lalo na ang pamilya ko. Nakakalungkot nga lang dahil hindi lahat kami ay nabuhay.

"Anong preparasyon ang dapat nating gawin para matalo sila?" bungad ni Mark.

Napansin ko kanina pa na pasulyap-sulyap siya sa akin pero hindi ko siya matingnan sapagkat nakamatiyag din sa akin si Ethan.

Hindi pa lumalapit sa akin si Ethan dahil alam niyang kasama ko ngayon ang kapatid ko. Napag-usapan naman namin noon na hindi muna namin ipapaalam sa pamilya ko at tungkol sa amin dahil ipinangako ko sa magulang ko na hindi muna ako magboboyfriend hangga't hindi ako nakakapagtapos ng kolehiyo.

Pero... nasuway ko sila. Bakit ba kasi tingin pa lang niya nanlalagkit na ako? Ang lakas kasi ng karisma niya, hindi ko siya kayang layuan. 

Isa pa, gusto niyang maging legal kami kaya ipapakilala niya muna raw ako sa kaniyang pamilya kapag nakaalis kami roon sa isla. And here we go, ipapakilala niya pa kaya ako?

Magbalik tayo kay Mark. Still, crush ko pa rin siya.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang magsalita si Agatha.

"Hindi madaling talunin ang ating kalaban. Wala tayong kapangyarihan para talunin sila," aniya.

"Sandali, hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa para matalo natin sila," sambit ng kapatid ko.

"Paano natin sila matatalo?" tanong ni Ginny.

"Sabi sa akin ni Ethel noon, ang Alibata na lang daw ang makakatulong sa atin," pahayag nito.

"Ano naman ang Alibata? Libro rin ba ito?" tanong naman ni Hannah.

"Hindi ko alam, siguro?" tugon ni Morixette.

"E?" nagugulumihanang sambit ni Grace.

"Paano natin ito hahanapin kung hindi natin alam kung ano ito?" singit ni Aaron.

"Isa pa, wala tayong clue kung saan ito hahanapin. Wala na si Ethel, wala nang gagabay sa atin," turan naman ni Nikka.

Lahat kami ay napatanga na lang bigla sa kawalan nang mapagtanto ang mga bagay-bagay.

"Huwag tayong mawalan ng pag-asa, iyan ang laging sinasabi sa akin ni Ethel. Lakasan lang natin ang loob natin at siguradong magtatagumpay tayo," pagbasag ng kapatid ko sa katahimikan.

Ilang saglit pa, biglang nagkaroon ng puting liwanag sa langit. Lahat kami ay nasilaw sa pagliliwanag nito. Mayamaya, isang babae ang bumababa mula rito.

"Joan!" sambit ko nang maaninaw ko ang kaniyang mukha.

"Hala, Ate Joan!" wika ni kapatid ko.

"Joan!" turan ng mga kaklase ko.

Isang masiglang ngiti ang ibinungad niya sa amin.

"Ipinadala ko ng kalangitan para maging gabay niyo sa paghahanap ng Alibata," aniya.

"Oh my gash, nagsasalita ka na Ate!" masiglang sambit ni Momo.

"Tama ka riyan, Morixette. Binigyan ako ng Panginoon ng dila para matulungan kayo."

Lahat kami, napangiti. Nagkaroon kaming lahat ng panibagong sigla at pag-asa.

"Ang Alibata ay isang libro. Bibigyan ko kayo ng clue kung saan ito mahahanap."

"Sa ngayon, kailangan niyo munang magpahinga. Paalam!" aniya at bigla na siyang nawala.

"Salamat, Joan!" sambit naming lahat.

Hapong-hapo kaming lahat at naupo na lang muna kami sa may damuhan.

"Hindi tayo pwedeng umuwi sa mga bahay natin dahil alam ng ating mga pamilya na patay na tayo," bungad ni Agatha.

"Oo nga, saan na tayo nito ngayon? Hindi naman pwedeng dito tayo manatili sa may park."

Parang baliw talaga itong si Ethan. Titig nang titig sa akin, e. Magsasalita lang, sa akin pa talaga nakatuon ang atensiyon niya. Kabanas.

"Tama ka, Ethan. Saka mas maganda kung sa iisang bahay lang tayo titira lahat," mungkahi naman ni Aaron.

"At kailangan medyo malayo-layo sa mga taong nakakakilala sa atin. Tiyak na magugulat sila kapag nalaman nilang nabuhay ang isang patay," ani naman ni Nikka.

"Guys, alam niyo namang ako ang maaasahan kapag pagdating sa ganiyan," pahayag ni Ginny.

"Mayroon kaming rest house na medyo malayo sa kabihasnan. Doon, walang makakakilala sa atin," dugtong pa niya.

"Heto na naman po tayo," wika ni Hannah.

"Hindi naman siguro sa isla iyan 'no?" hirit ni Grace.

"Hindi naman, wala na si Xiara rito kaya tiyak na magiging tahimik tayo roon."

Nakahinga ako nang maluwag nang dahil doon. Thanks to, Ginny! Maaasahan talaga siya.

"Pero paano tayo makakapunta roon kung wala tayong sasakyan?" singit ko naman.

Lahat kami ay napaisip.

"Alam ko na! Pwede tayong manghiram sa kaibigan ko!" pahayag ng kapatid ko.

"Sinong kaibigan naman iyan?" tanong ko.

"Si Jerwel, Ate!" bibo nitong tugon.

"Sigurado ka ba riyan? Maaasahan ba natin ang kaibigan mo?" segunda ni Mark.

Napalunok ako bigla nang laway nang mapansin kong nagbubeautiful eyes pa itong kapatid ko habang nakamasid kay Mark.

"O-oo na-naman!" utal nitong tugon.

Ang kapatid ko talaga, umiral na naman ang kalandian. May naging boyfriend na kaya ito noong wala ako?

"Alright! Wala na tayong problema. Ako, si Aaron at Morixette ang pupunta sa bahay ng kaibigan niya. Magpahinga muna kayo rito," pahayag ni Agatha at naghanda na sila sa kanilang pag-alis.

Might of Alibata (Published)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt