Chapter 48

22K 809 124
                                    

Agatha's POV


Magsisimula na ang labanan, isa lang naman ang goal namin, e. Ang matalo ang kalaban at makuha ang talulot para mabuksan namin ang Alibata.


Medyo mahilab-hilab ang labanan ngayon lalo pa't talo ako ng babaeng pinuno na 'to pagdating sa kagandahan. Okay lang iyon, lamang naman ako pagdating sa karisma kaya hayaan na.


Nang magsiliparan sila sa himpapawid, bumuo sila ng formation na pa-V. Nasa gitna ang pinuno at nasa magkabilang gilid niya ang tig-dalawa.


"Hayaan ninyong kami muna ang magpamalas ng aming galing," wika ng babae.


"Mga alagad, upward rotation with fuming spring," dugtong pa niya. Nakamasid lang kami kung ano ang kanilang gagawin.


Sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang mga kamay papaitaas at tumingala sa kalangitan. Ang kanilang mga pakpak na nakabuka at kanilang pinatiklop at ito'y nakatungo sa direksiyon paibaba. Ang kanilang mga paa ay naka-point namin habang nakatingkayad.


"Weird, sasayaw ba sila?" singit ni Nikka.


"Iba ang pamamaraan na 'to. Kailangan, mag-ingat pa rin tayo," saad ko.


"Ngayon na!" utos ng kanilang pinuno at sila'y nagsimula na.


Nag-bend sila nang kaunti ng kanilang tuhod saka tumalon at nagsimulang magpaikot-ikot sa ere. Pabilis nang pabilis ang kanilang pag-ikot hanggang sa parang naging little tornado sila na mayroong lima hanggang anim na talampakang taas.


"Guys, susugod sila. Humanda!" wika ko. Itinutok ko ang aking pana sa may bandang gitna kung sakali mang atakihin niya ako. Gano'n din naman ang ginawa ng mga kasama ko, ihinihanda nila ang kanilang mga armas.


Ilang minuto pa, unang sumugod ang dalawang nasa magkabilang dulo at sila'y patungo sa direksiyon nina Rox at Nikka.


"Umiwas kayo!" sigaw ko.


Nang sumugod ang isa kay Nikka, kaagad naman siyang nakaiwas. Nag-egg roll siya sa lupa at saka tumalon nang sumugod ito'y muli sa direksiyon niya. Ngunti sa ikatlong pagsugod, hindi inaasahan ni Nikka na manggagaling ito sa likod kaya tinamaan siya at napasaldak sa may sahig.


Si Roxette, ginamit niya ang kapangyarihan niya para gumawa ng harap na mula sa pinatigas na putik. Nagulat kaming lahat nang unti-unti itong magkaroon ng butas sa gitna hanggang sa lumaki ito at nasira.


"Syaks!" sambit ni Rox nang halos malapit na ito sa kaniya kaya iniharang niya ang kaniyang arnis at ito'y pinagdikit at pinorma na parang ekis upang mapigilan ang pag-ikot ng kalaban ngunit hindi pa rin iyon sapat.


"Aaaa!" sigaw niya nang siya'y tumurumpit at nagpagulong-gulong sa sahig.


"Roxette!" sigaw naman ni Mark at nilapitan ito.


"Mark, ang kalaban!" giit ko. Akmang lalapitan ko na siya nang bigla namang sumulpot ang pinuno nila sa aking harapan kaya napatigil ako.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now