Chapter 61

20.2K 717 50
                                    

Mark's POV


Medyo kinabahan akong makipagtuos sa kalaban dahil higit na mas malaki ang lamang niya sa akin. Pero kahit na ganoon, kailan ko pa ring tatagan ang loob ko.


Itinaas ng kalaban ang kanan niyang kamay at may nabuo roong limang bolang apoy na kasing laki lang ng bola ng jackstone at ang mga ito'y naglalagablab. Pinapaikot-ikot niya ang mga iyon sa kaniyang mga kamay.


"Mark, hayaan mong tulungan ka namin," singit ni Agatha na sumulpot sa may bandang kanan ko.


"Hindi ka namin hahayaan dito mag-isa," dugtong naman ni Roxette sa may kaliwa ko.


Nginitian ko lang sila at tumango bilang pagtugon. Si Aaron at Nikka nama'y tumabi na muna sa isang sulok at minabuting manuod na lang muna.


"Gusto ko ang katapangan ninyong tatlo. Hayaan n'yong ipalasap ko sa inyo ang naglalagablab kong kapangyarihan!" aniya.


Bigla siyang tumalon at inihagis sa amin ang limang bolang apoy.


"R-Wall," sambit ni Rox at gumawa siya ng panangga sa harapan namin na gawa sa pinatigas na putik. Matapos iyon, malakas niya itong sinipa patungo sa kinaroroonan ng kalaban.


"Aba, magaling!" giit ng kalaban. Tila ba hindi siya kinakabahan dahil papalapit na ang R-Wall ni Rox sa kaniya.


"Fire ball dance," aniya. Kumislot-kislot ang bolang apoy niya at walang pakundangang binutas ang R-Wall ni Rox. Hindi namin alam kung paano ito sasalagin ngayon.


"Ako naman," wika ni Agatha saka ibinuka ang kaniyang pakpak.


Lumutang siya nang bahagya sa ere para sa preparasiyon ng gagawin niyang pagdepensa.


"Wing slasher," sambit niya. Limang beses niyang ikinampay sa ere ang kaniyang pakpak para magpakawala ng wind slash. Nahati niya ang bolang apoy at ang mga ito'y tuluyan ng bumagsak sa kalupaan. Nawala na rin ang paglalagablab ng mga ito.


"Pinabilib n'yo ako masyado," singit ng kalaban habang dahan-dahang pumapalakpak. Nagkatinginan lang kaming tatlo dulot ng pagtataka.


"Ibigay mo na sa amin ang talulot na hawak ninyo kung ayaw mong masaktan," singhal ni Agatha.


Napahagalpak ng tawa ang taong ahas dahil sa kaniyang narinig.


"Batid naman na namin na ang talulot ang pakay n'yo. Sa kasamaang palad, baka ikasawi n'yo lang ang pagnanais na mapunta ito sa inyo," pahayag ng kalaban.


"Marami na kaming kinaharap kaya hindi na kami uurong pa," saad ni Rox.


"Handa kaming mamatay kung makakamit naman namin ang tagumpay," ani ko.


"Mukha ngang wala pa kayong alam sa talulot na hawak namin."

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now