Chapter 88

16.4K 670 166
                                    

Mark's POV


Noong una, medyo nahihirapan akong pabagsakin ang mga kalansay dahil parami sila nang parami.


Mapapagod at mapapagod lang ako kung puro lakas ang gagamitin ko sa pakikipaglaban. Lalaon ang oras at akong mauubusan ng enerhiya. Kailangan kong makaisip ng paraan bago nila ako mahabla.


Dalawampung kalansay ang pumabilog sa akin habang ang iba'y nakatayo lang at naghihintay. Kung sabay-sabay silang aatake, mapupuruhan ako nang labis...


Habang nag-iisip ng taktika, napatingala ako sa kalangitan at namataan ko sa ere ang talulot. Laking pasasalamat ko nang makita ko ito dahil malaki ang maitutulong nito sa akin. Itinaas na ng mga kalansay ang kanilang sandata biglang badya na pasugod na sila.


Nang salakayin nila ako nang sabay-sabay, kumuha naman ako ng tiyempo para makatalon nang mataas para maabot ang talulot. Todo taas ako ng kamay para makasiguro ako. Napangiti ako nang mahawakan ko ito, para bang naabot kong muli ang tugatog ng pag-asa.


Pagkababa ko sa lupa, sabay-sabay ipinilandit ng mga kalaban ang kanilang sandata sa akin subalit nabigo sila nang palibutan ako ng apoy. Napalayo sila sa akin nang kaunti habang ako'y lukob-lukob ng bolang apoy sa pagpapalit anyo. Pagkatapos kong magbagong anyo, nag-atubli agad akong sunugin ang mga ito.


Makalipas lamang ang limang minuto, napulbos ko silang lahat. Agad naman akong tumungo sa mansion para sundan sina Ginny at Morixette. Gumamit ako ng fire ball sa pintuan nang makarinig ako ng ibang boses sa loob. Maski ako ay nagulat nang madatnan ko ang mga kaklase ko no'n na sinasalakay ang dalawa kong kasama.


Hindi ako nagdalawang-isip na hagisan sila ng bolang apoy para magawa na nila Ginny ang kanilang misyon. Para hindi kami mahirapang maglaban ng mga kaklase ko, niyaya ko sila sa labas ng mansion at pinagbigyan naman ako ni Mae.


"Bakit ba pati katawan ng mga kaklase natin ay ginagamit mo? Nananahimik na ang mga kaluluwa nila!" bungad ko kay Mae.


"Nananahimik? Hindi matatahimik ang mga kaluluwang hindi nakatamo ng hustisya, Mark..." tugon ni Mae. Halatang may bahid ng pag-iimbot ang kaniyang puso dahil sa pinakawalang salita.


"Lahat naman tayo ay naging biktima ni Xiara! Siya ang may kasalanan! Hindi ka dapat pumayag na magpasakop sa kadiliman!" saad ko.


"Naiinggit ako sa inyo! Kayo, nabigyan ng pagkakataong mabuhay. E ako? Marami pa akong pangarap na gustong matupad!" giit ni Mae. Wala pa ring reaksiyon ang mga kaklase namin, katawan nga lang nila ang ginamit ni Death sa kasamaang ito.


"Pinangakuan ako ni Death na mabuhay muli ngunit kailangan kong maging bantay sa lugar na ito," dagdag pa niya.


"Alam mo, Mae... napakamakasarili mo! Oo, nabuhay ka nga pero masaya ka ba? Nagagawa mo ba ang lahat ng gusto mo sa lugar na 'to? Walang pakundangan mo pang idinamay ang mga kaklase natin sa kahibangang 'to!" sumbat ko.


"Mas magagalit sa iyo ang kaklase dahil pinaglalaruan mo ang kanilang mga katawan. Magsisi ka na sa pagsama sa kadiliman," dugtong ko pa.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon