Chapter 27

26.1K 992 158
                                    

Hannah's POV


Thankful ako dahil I'm alive and kickin' pero hindi ko naman dama ang presensiya nila para masabing kinakalinga nila ako.


Oo, iniisip naman nila ang kapakanan ko pero mistulang props lang ako sa paningin nila maging si Grace.


Sabihin na nating hindi kami close ng mga kaklase ko na nagsialisan para atupagin ang misyon daw. Hindi ko lang lubos na maisip kung bakit binuhay pa ako ng kapatid ni Roxette.


Pero kahit na gano'n, I'm still worthy at dapat i-enjoy ang panibagong buhay na ipinagkaloob sa akin. This is my life, no can stop me sa kung anuman ang gusto kong gawin.


Thanks also kay Grace dahil may kaagapay ako. Naku, kung wala siya, tiyak na naburyo lanag ako rito at naburo maghapon at magdamag.


Kung nag-eenjoy sila, dapat ay mag-enjoy rin kami. Ano pa ang silbi ng perang ipinagkaloob sa amin ni Ginny kung hindi naman namin gagamitin.


So here I go. Niyaya ko si Grace patungo sa silid ni Ginny para kumuha ng damit sa kabinet niya.


"Hannah, sigurado ka ba rito? Okay lang kaya kay Ginny na hiramin natin ang damit niya?" bungad ni Grace nang makapasok kami sa kuwarto.


Hinila ko siya papasok at pinaupo sa ibabaw ng kama para naman kumalma dahil ramdam ko ang kaba ng gaga.


"Hay, ngayon ka pa ba magdadrama ng ganiyan? Hello? Lalabhan naman natin pagkatapos at ibabalik ulit dito kaya halina't bumirada," ani ko sabay bukas sa kabinet.


Magagara ang damit ni Ginny. Halatang anak mayaman. 'Yung tipong pambahay lang e parang pang-alis na niya. Isa-isa kong siniyasat ang mga damit.


"Ay winner, ang ganda nito," saad ko nang makita ko ang isang bestida na kulay black and red na backless.


"Gosh, ang ganda niyan girl. Bagay sa iyo," turan ni Grace.


"Salamat, sandali at isusukat ko muna. Hanap ka na rin ng damit mo," pahayag ko.


Lumabas muna ako ng kuwarto at tumungo sa banyo para sukatin ang damit.


"Ang ganda mo talaga, Hannah. Kaya maraming naaakit sa iyo, e," sambit ko habang nakatingin sa salamin.


Mayamaya, bumalik na ako sa kinaroroonan ni Grace. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin siya na nakasuot ng t-shirt na kulay puti at itim na palda na dalawang dangkal ang haba.


"Ay bet. I-tack mo 'yung t-shirt para mas bagay," saad ko.


Pagkapasok ko, naghalughog naman ako ng sapatos. Tatlo lang ang narito. Isang rubber shoes na kulay itim, 3 inches na heels na kulay pula at flat sandals na kulay gold. Syempre, 'yung heels na ang kinuha ko.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now