Chapter 11

36.7K 1.3K 364
                                    

Roxette's POV


"Aaaaaaaaaa!" pagtangis ni Ethan.


Batid ko kung gaano kasakit ang kaniyang nararamdaman dahil sa tinamong sugat sa naging kaganapan kanina. Hindi ko maatim na makita siyang nasasaktan lalo na sa kalagayan niya ngayon.


"Kaya mo iyan, Bae. Kaunting tiis na lang," sambit ko habang nakahiga siya sa aking hita habang hawak-hawak ang kaniyang kamay.


"Salamat, Bee."


Kita ko sa mga mata ni Ethan ang pighati. Napukaw ni Mark bigla ang atensiyon ko nang bigla siyang magsalita.


"Pasintabi sa inyong dalawa... Kailangang tanggalin natin ang nakatarak na palaso sa binti niya para maibsan ang sakit," aniya.


Nasa may bandang paang bahagi siya ni Ethan. Hindi ko maipaliwanag ang kaniyang tingin.


"Pero kapag tinanggal natin iyon, magiging mabilis ang pag-agos ng dugo palabas sa kaniyang natamong sugat," pahayag ko naman.


May kaunting ilang akong nararamdaman pero hindi iyon maiiwasan. Still, may feelings pa rin ako sa kaniya. Ni hindi ko nga magawang tumingin sa kaniyang mga mata habang kinakausap siya ngayon.


"Pipigilan natin ang pag-agos ng dugo sa pamamagitan ng panyong itatapal ko sa kaniyang sugat. Mas makakabuti iyon," paliwanag niya.


"Sige, Mark. Gawin mo kung ano ang mas makakabuti," sambit ni Ethan.


"Okay, nakapagdesisyon na si Ethan. Roxette, hawakan mo lang ang kaniyang kamay para mapagtibay ni Ethan ang kaniyang loob. Handa na?" turan niya.


Kaakibat nito, isang ngiti ang kaniyang pinakawalan. Hindi ko tuloy lubos mawari kung tinutuya niya lang ba ako o nagpapanggap siya.


"Sige p're," ani Ethan.


Tanging tango na lamang ang aking naitugon. Idinako ko naman ang aking tingin sa iba pa naming kasamahan.


Si Momo, dinadaldal pa rin si Agatha dahil sa nasaksihan kanina. Hindi pa rin ito makapaniwala sa pekeng binti nito. Si Arianne, nakaantabay kay Ginny at tinatalian ng panyo ang sugat nito. Samantalang sina Hannah at Grace, nakatanga lang at pawang walang pakialam.


Mark's POV


Ganito na ba kamahal ni Rox si Ethan? Wala na ba talagang pag-asa para sa aming dalawa? Nagulat pa ako nang marinig ko ang call sign nila.


Ang sakit, ang sakit-sakit. 'Yung puso ko, mas malala pa sa pagdurugo kaysa sa sugat ni Ethan. Na-iingit ako. Ako sana ang katawagan niya ng ganoon, e.


'Yung paghawak niya ng kamay kay Ethan, nakakapangselos. Kung ako kaya ang natamaan ng palaso sa binti? Mag-aalala kaya siya sa akin? Kaso, sa puso ko ito tumama kaya patuloy pa rin ito sa pagdurugo.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon