Chapter 9

34.4K 1.3K 199
                                    

Morixette's POV


Tanghali na ngunit hindi pa rin namin natatagpuan si Mark. 'Yung iba naming kasamahan, nandoon sa loob ng sasakyan at mga tulog. Ako at si Agatha lang ang nasa labas.


"Hindi naman siguro uuwi si Mark sa kanila 'no?" bungad ni Agatha habang nakatingin sa himpapawid at nakahalukipkip pa.


"Sana nga hindi," tugon ko naman.


Ano kaya ang problema no'n? May nangyari kaya noong nasa resort sila nila Ate Ginny nang hindi ko alam?


Naputol ang aking gunam-gunam nang biglang magsalita si Agatha.


"Heto na si Mark," aniya.


Nang mapatungo ang atensiyon ko sa kaniya, para bang bumagal ang takbo ng mundo ko.


Hindi ko mapigilang hindi tanggalin ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad siya papalapit dito sa aming kinaroroonan habang nililipad-lipad pa ng hangin ang kaniyang buhok.


Masasabi kong hindi naman masyadong gwapo si Mark, malakas lang ang dating niya at saka mayroon siyang aura na nakahahalina.


"Mark, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap," bungad ni Agatha nang makalapit ito sa amin.


"Pasensiya na, nakatulog pala ako sa may bandang dulo ng park," paliwanag nito habang nagkakamot pa ng ulo.


"Gano'n? O sige, pumasok ka muna sa loob ng sasakyan at alam kong hindi ka pa kumakain," sambit ni Agatha.


"Sige, salamat..." anito at naglakad na patungo sa loob ng sasakyan.


Bakit gano'n? Para akong nahihipnotismo sa kaniya? Kakaiba talaga, e. 'Yung tipong nais mo siyang masulyapan lagi.


"Hoy, Morx!" pagtampal ni Agatha sa aking kanang braso.


Natauhan akong bigla dahil doon.


"Hay naku," dugtong pa niya sabay abot sa akin ng kaniyang panyo.


"Ano ang gagawin ko roon?" sa isip-isip ko.


Binigyan ko na lamang ng pakunot ng noo si Agatha bilang tugon.


"Patulo na kasi 'yung laway mo," aniya.


Napasinghap akong bigla at nilunok ang laway kong patulo na sabay punas ng aking kamay doon sa labi ko.


"Tsk tsk tsk..." umiiling-iling na reaksiyon ni Agatha.


"Sorry na," ani ko.


"Okay lang iyan, pinagdaanan ko rin iyan noon."


Might of Alibata (Published)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin