Chapter 19

27.6K 1K 312
                                    

Morixette's POV


Naku, mali itong nararamdaman ko. Hindi maaaring bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa unang sulyap ko pa lang sa kaniya. Mali itong kinakabahan ako. Oh my talaga, maling-mali.


Pagkapasok niya sa loob ng bahay, dumiretso siya kaagad sa may kusina ang nagmano sa kaniyang ina. Aba, mukhang pinalaki siyang tama ng kaniyang mga magulang.


Bumalik na ako sa may sala ngunit ang atensiyon ko ay wala sa aking pinapanuod kundi nasa kanila. Nakikinig ako ng kanilang usapan.


"Anak, nandito nga pala 'yung mga kaibigan ni Ma'am Ginny kaya makisama ka," sambit ni Manang habang patuloy sa paghuhugas ng pinggan.


Naupo ang binata sa may hapag, mukhang hindi pa siya kumakain ng hapunan. Tinanggal niya ang kaniyang uniporme hanggang sa puting t-shirt na lang ang kaniyang itira.


Nanlaki bigla ang mata ko nang makita kong humahapit sa damit niya ang kaniyang katawan. Mukhang batak siya sa mga gawain at hindi palamunin lang. Malamang, tumutulong din siya sa pagsasaka sa kaniyang ama. Mayroon kasing bukirin sa likod ng bahay.


"A, gano'n po ba? Sige po, subukan kong makihalu-bilo sa kanila mamaya," anito.


Syaks, ang sarap talaga niyang panuorin at titigan lalo na kapag nawawala-wala ang kaniyang mga mata. Gosh, win win win.


"Uy, Morx, bakit gising ka pa?" bungad ng isang tinig sa aking likuran.


Napapitlag akong bigla sa aking pagkakaupo at diniretso ang tingin sa may telebisyon bago itungo ang aking atensiyon sa aking likuran.


"Ikaw pala iyan, Ate Ginny. Ginugulat mo naman ako masyado," ani ko. Inilagay ko sa aking dibdib ang aking kaliwang kamay para kunwari e kinabahan ako sa pagsulpot niya.


"Sus, hindi ka naman nanunuod ng tv, e. Iba ang pinapanood mo. Aminin..." turan ni Ate Ginny habang nakadungaw sa may kusina.


Nag-init bigla ang aking pisngi dahil sa tinuran niya. "Hala, hindi kaya," pagmamaang-maangan ko.


"You know girl, pinagdaanan ko rin ang stage na iyan kaya hindi mo na maipagkakaila pa sa akin iyan," aniya sabay upo sa aking tabi.


Eeeeee, patay na talaga.


"Oo na, crush ko na siya," sambit ko sabay turo gamit ang nguso ko sa binatang kumakain sa may kusina.


"O, 'di ba? Umamin ka rin."


"Hindi naman kasi masama ang crush-crush na iyan. Hangga't marami kang crush, the more chances of winning eka nga nila," paliwanag niya.


Nakakatuwa si Ate Ginny, may kakulitan din pala itong tinatago. Makakasundo ko talaga 'to, tiyak.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon