Chapter 55

19.1K 707 52
                                    

Arianne's POV


Hindi na namin hinintay na dumating pa ang kinikilala naming magulang. Kinuha ko na kaagad si Janine at isinama pabalik sa bahay ng kaibigan ni Morx.


Simula nang magising kanina si Ginny, lagi na lang siyang nakatulala at nakatingin sa malayo. Ni hindi ko makausap sa biyahe. Kinikutuban ako na ewan nang dahil sa nangyari sa kaniya kanina.


Sana, hindi tama ang iniisip ko. Pero kahit na ano pa man iyon, iwinaglit ko na lang muna. Imbes na magsayang ng oras sa kakaisip ng ganoong bagay, itinuon ko na lang ang aking atensiyon kay Ja. Na-miss ko talaga ang kapatid kong ito.


Nang makarating na kami sa bahay, tuwang-tuwa ang kapatid ko kasi ngayon lang siya makakapasok sa isang magarbong tahanan.


"Ate, sigurado ka ba? Dito muna tayo titira?" aniya na tila nagniningning pa ang mata sa sobrang pagkasabik.


"Oo, pansamantala lang naman. Nakahihiya sa kaibigan ni Morx, 'yung kapatid ni Ate Rox mo," pahayag ko.


"Talaga? Ang suwerte naman pala ng kapatid ni Ate Rox sa kaibigan. Balang araw talaga ate, titira din tayo sa ganiyang kalaking bahay!" masaya niyang sambit habang nakatayo kami sa labas.


Hindi ko namalayang nauna na palang pumasok sa amin si Ginny. Ni hindi man lang ako hinintay no'n.


Pagkapasok namin sa loob, bumungad sa amin si Jerwel na kinukumutan si Ginny na nakahiga sa may sofa sa sala.


"Anong nangyari?" tanong ko.


"Hindi ko alam. Pagkapasok niya rito e nahiga siya riyan kaagad at napansin kong parang giniginaw kaya kinumutan ko," paliwanag ni Jerwel. Wala talaga siyang alam sa pangyayari.


Habang akay-akay ko si Ja, lumapit kami sa kinahihigaan ni Ginny at saka ko sinipat ang kaniyang noo at leeg.


"Jusko, ang taas ng lagnat ni Ginny!" saad ko. Kaya siguro siya tahimik kanina dahil nilalagnat na. Hindi ko man lang siya sinuri...


Pinaupo ko na muna si Ja sa may isa pang sofa saka ako kumuha ng maligamgam na tubig saka palanggana sa may kusina. Kumuha na rin ako ng bimpo at saka iyon isinawnaw sa maligamgam na tubig sa may palanggana at saka iyon ipinunas sa mukha at katawan ni Ginny para mahimasmasan at bumaba ang kaniyang lagnat.


"Magpapaluto na lang ako kay Manang ng soup para may makain mamaya si Ate Ginny," mungkahi ni Jerwel saka naglakad palayo.


"Jerwel!" pagtawag ko sa kaniya. Huminto naman siya kaagad sa paglalakad at nilingon ako.


"Bakit? May kailangan ka pa ba?" sabi niya.


"Hindi, wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo nang personal dahil pinatuloy mo kami rito sa bahay ninyo kahit na hindi mo kami kaano-ano," pahayag ko matapos mailagay ang bimpo sa may noo ni Ginny.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now