Chapter 74

17.6K 673 106
                                    

Agatha's POV


Matindi ang rebelasiyong isiniwalat sa amin ni Roxette. Pero kahit na ganoon, masaya ako para sa kanila ni Mark. Nakakaawa lang si Ethan dahil desperado siya masyado kaya niya nagawa ang bagay na iyon.


Kinabukasan, maaga kaming nag-ayos para tumungo sa huli naming destinasyon. Isang talulot na lang ang kailangan namin para mahanap at mapagana ang Alibata. Habang inaayos namin ang aming mga sarili, naglabas ng puting liwanag ang paper gam at lumabas mula roon si Joan.


"Binabati ko kayong lima dahil napagtagumpayan ninyo ang tatlong talulot," bungad sa amin ni Joan. Napatigil kaming lahat sa aming ginagawa. Naglapit-lapit kami para mapakinggan ang sasabihin ni Joan.


"Maraming salamat," tugon namin.


"Isang kilometro mula rito, may makikita kayong kuweba. Malapit iyon sa may tuktok ng bundok," maligaya niyang balita sa amin.


"Syaks! Heto na talaga!" pagsingit ni Nikka.


"Excited lang, Niks?" komento ni Rox. Holding hands pa sila ni Mark, masyado naman silang sweet sa isa't isa. Nakakainggit tuloy...


"S'yempre, malay natin, ako pala ang nakatadhana sa huling talulot 'di ba?" aniya.


"P'wede rin namang si Aaron 'di ba?" ani Mark.


"Oh em, oo nga pala..." pagsang-ayon ni Nikka.


Napaisip tuloy akong bigla ngayong isang talulot na lang ang kailangan namin. Sino kaya kina Nikka at Aaron ang papalarin? Nagpatuloy na ulit si Joan sa kaniyang sasabihin.


"Mag-ingat kayo dahil bubungad sa inyo sa loob ng kuweba ang dalawang tagapagbantay ng Alibata. Kailangan n'yo silang matalo para makuha ang libro," paliwanag ni Joan sa amin.


"Kakayanin namin iyan. Tatlong talulot laban sa isa, ano pa ang magagawa nila?" saad ni Aaron.


"Oo nga naman, kaya nating makamit ang tagumpay!" segunda ko.


"Masaya ako dahil positibo ang pananaw ninyo. Naniniwala akong kaya n'yo 'tong mapagtagumpayan," turan ni Joan bago tuluyang bumalik sa loob ng paper gam.


Matapos iyon, nagpasya na kaming tumungo sa aming huling destinasiyon. Pero bago kami nagsimula, nagpalit na muna kami ng anyo sa pamamagitan ng 'bam'.


Hindi naman kalayuan masyado ang isang kilometro kaya ginamit na namin ang mga talulot para mapadali ang pagpunta namin doon. Sa pamamagitan ng hangin, pinalutang ko sina Aaron at Nikka habang ang tumutulong sa aking paglipad ay ang aking pakpak. Ginamit naman ni Mark ang kapangyarihan ni Nyon para makalipad. Buhat-buhat niya si Roxette na tila bagong kasal sila.


"Ang sarap nilang pingutin sa ka-sweet-an," sa isip-isip ko. Lihim akong napapangiti dahil naalala ko na naman ang nakaraan na kung saa'y marami akong lalaki.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now