Chapter 59

17.4K 701 120
                                    

Arianne's POV


Ibinalya ako ni Ethel sa may sofa pagkarating namin sa may sala. Nawalan na ako ng ganang lumaban pa sapagkat wala na ang kapatid kong pinanghuhugutan ko ng lakas.


"Patayin n'yo na ako! Gawin n'yo na ang gusto n'yong gawin sa akin!" giit ko.


Lumapit sa akin si Ethel at hinawi ang aking buhok na tumakip sa aking mukha. Nang magkatitigan kami, may iba sa kaniyang mga mata. Batid ko ang lamyos nito.


"Ethel..." sambit ko. Parang nangungusap ang kaniyang mata na tulungan ko siya.


"Bilisan mo na riyan, Ethel! Isagawa mo na!" singhal ni Helga.


Kamukatmukat ko, sa muling pagkurap ng kaniyang mata, naging iba na naman siya. Alam kong hindi pa tuluyang namamanipula nang buo ni Death si Ethel. May pag-asa pa para siya'y magbago.


"Gusto kitang tulungan, bff. Pero paano?" bulong ko.


"Bff your face!" anas niya't ginawaran ako ng sampal sa aking kanang pisngi.


Hinigit niya ang aking mukha para magkaharap kami. Inilabas niya ang kaniyang lipstick na kulay puti at tiyak ko na kung ano ang sunod niyang gagawin kaya ipinikit ko na lang ang aking mata.


Letter L, iyon ang naramdaman kong isinulat niya sa aking noo. Isang ngiti ang aking pinakawalan matapos iyon.


"Mukhang tanggap niya na ang kaniyang pagkatalo," singit ni Helga.


"Arianne, naaalala mo pa ba ito?" tanong ni Xiara habang tangan-tangan ang isang de lata.


"Oo naman, iyan kaya ang isa sa paborito kong kainin," sarkastiko kong tugon.


"Malamang! Paano ba naman, halos araw-araw ito ang binabaon mo noong hindi ka pa napapabilang sa D' Sossys," saad ni Xiara.


"Bakit? Ano bang paki mo kung sardinas ang madalas kong i-ulam noon?" ani ko.


"Wala naman. Katibayan lang iyon na hampas-lupa ka!" giit ni Xiara.


Kumulo bigla ang dugo ko dahil sa pangmamaliit niya sa akin. Hindi ko hahayaang tapak-tapakan niya lang ako.


"Oo, malayong-malayo ang lebel ng ating pamumuhay. Pero wala kang karapatan para yurakan ang pagkatao ko!" sigaw ko.


Nakatingin lang sa amin sina Ethel at Helga, hinahayaan lang nila kami.


Mayamaya, nagising bigla si Manang dahil sa tindi ng tensiyong namamagitan sa amin ni Xiara.


"Diyos ko, hindi nga ako nananaginip," pahayag ni Manang pagkabangon niya. Ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata nang dahil sa takot.


Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now