Chapter 20

29.4K 1K 155
                                    

Roxette's POV


Pagkaalis ni Ethan sa usapan, kaagad ko naman siyang sinundan. Noong una, wala akong ideya kung bakit siya nagkakaganoon. Ngayon, alam ko na.


"Ethan, bakit ka ba nagkakaganiyan?" bungad ko nang makarating kami sa loob ng aming silid.


Naupo kaagad siya sa ibabaw ng kama habang ako naman ay nakatayo sa harapan niya at nakahalukipkip pa.


"Nakakahiya sa mga kasama natin ang inasal mo, sana sa susunod, huwag mo itong gagawin ulit," litaniya ko.


"Paanong hindi ako magkakaganito e talaga namang nakakapang-init ng ulo!" giit niya.


"Ayan ka na naman, tumataas na naman ang boses. Kalma lang," pang-aalo ko nang umupo ako sa tabi niya at hinahagod ang kaniyang likod.


Minsan lang magkaganito ang damuhong ito. Lalo na kapag pakungkol kay...


"Hindi ko kayang maiwan sa bahay na ito lalo pa't makakasama mo ang Mark na iyon!" asik niya.


"Kung hindi dahil sa pesteng binti na ito, makakasama sana ako!" anas niya.


Ramdam na ramdam ko ang bigat sa bawat salitang pinakakawalan niya. Kahit kailan talaga, hindi na sila nagkapalagayan ng loob ni Mark. Hay...


"Wala ka bang tiwala sa akin, Bae? Ikaw naman ang pinili---" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sumagot siya kaagad.


"Oo, ako ang pinili mo, pero hindi pa rin mawawaglit sa akin na malapit ka sa tukso sapagkat wala ako sa tabi mo," pahayag niya sabay higa sa may kama.


"May tiwala ako sa iyo, sa kaniya wala!" aniya bago tumalikod sa akin at nagtalukbong ng kumot.


Bakit gano'n? Tumagos lahat sa akin ang lahat ng sinabi niya? Tama nga siya, hindi malayong matukso ako lalo pa't makakasama namin si Mark. Gosh! Ano ba ang dapat kong gawin? Sasama ba ako at lalapit sa tukso? O magpapaiwan na lang para hindi masaktan si Ethan? Ang hirap mamili!


Hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon lalo pa't batid kong nagtatampo itong lalaking 'to sa tabi ko. Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko kaya nahiga na lang ako sa tabi niya at niyakap siya kahit nakatalukbong ng kumot.


"Sorry na, Bae. Bati na tayo please?" sambit ko.


Naghintay ako ng kahit hanggang limang minuto sa tugon niya ngunit hindi siya umimik kaya minabuti ko na lamang na ipikit ang aking mga mata. Siguro naman bukas, okay na kami.


---


"Gumising ka na, Rox. Hindi p'wedeng hindi ka nila makasama sa paghahanap ng libro. Isa ka sa apat na susi para mabuksan ito," ani Joan.


Naalimpungatan akong bigla nang dahil doon. Bumangon ako kaagad sa aking higaan at nagkusot-kusot ng mata. Ano ang ibig sabihin ni Joan?

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon