Chapter 78

16.1K 662 98
                                    

Morixette's POV


Pagkakuha ko sa kuwaderno, kaagad na bumukas ito at lumabas dito si Kuya Dion.


"Tapos na ang tungkulin ko rito at ng kuwaderno. Nakakalungkot nga lang dahil nagtagumpay ang tatlong maria sa kanilang misyon," bungad ni Kuya Dion.


Maging kami ni Ate Ginny ay hindi maipinta ang mga mukha. Alam naming wala kaming laban sa tatlong maria lalo pa't mas malakas na sila ngayon. Sana, matalo sila nila Ate Roxette.


"Oo nga Kuya, e. Bigo na naman ako. Lagi na lang akong nalulugmok, hirap na hirap na akong bumangon," turan ko.


"Huwag kang ganiyan, Morixette. Bumangon ka hangga't may lakas ka. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung sa tingin mo'y hindi mo na kaya ang isang problema, manalig ka lang. May gagamiting instrumento ang Panginoon para punan 'yan," anito.


Napasandal na lamang ako kay Ate Ginny habang inaalo niya ako. Mabigat man sa pakiramdama na tila ba pinagbagsakan ka ng langit at lupa pero hindi dapat sumuko. Lalaban kami, kayang-kaya 'to.


"Paalam nga pala, kailangan ko ng lumisan," saad ni Kuya Dion at naglaho na lamang siya na parang bula matapos palibutan ng isang usok. Kasabay no'n, isa-isang nagsilabasan sa loob ng kuwaderno ang mga letrang ipinataw ng mga maria sa mga biktima.


L U R W O L A T A


Ang mga letra ay mayroong kulay. Kulay puti para sa mga letrang 'L', 'L' at 'A'. Kulay itim naman para sa mga letrang 'U', 'O' at 'T'. At kulay pula para sa mga letrang 'R', 'W' at 'A'. Tiyak na may mensaheng nais iparating ang tatlong maria.


Napatayo kami sa sofa ni Ate Ginny nang tila ba nag-iiba ang lugar namin ngayon. Tila ba dinadala kami ng kuwaderno sa ibang dimensiyon. Una, ipinakita sa amin nito kung paano pinatay ni Ethel si Padre Santiago at ang kamatayang ipinataw niya rito ay LINGKIS. Nagbago muli ang atmospera sa paligid at dinala kami nito sa tagpo na kung saan kinitil ni Helga ang buhay ng kaibigan kong si Jerico. Mangiyak-ngiyak ako sa pagbabalik-tanaw na 'to dahil ipinahamak pa ako ng tita niya. UP, iyon ang death word niya.


Sa muling pagpapatuloy, dinala kami nito sa isang tila ba stadium na kung saan puno ng yelo ang sahig. Ipinakita sa amin ng kuwaderno kung paano pinaglaruan ni Xiara si Lola Alette. Naawa ako sa matanda dahil sa kawalang hiyaan ni Xiara. ROLLER BLADE, iyon ang ipinataw ni Xiara sa lola ko matapos laslasin ang lalamunan nito. Napangiwi ako dahil hindi ko maatim na makita ang kalunos-lunos na sinapit ng matanda. Ilang saglit pa, ipinakita naman nito ang pagkamatay ni Jerwel. WINE, iyon ang ipinataw na kamatayan sa kaniya ni Xiara. Halang talaga ang bituka ng babaitang 'to.


Napakapit akong bigla sa braso ni Ate Ginny nang masaksihan ko naman ngayon kung paano pinatay si Janine. OIL ang death word niya. Tuwang-tuwa ang mga maria sa kung paano nila pinaglaruan ang bata, nakakagigil sila. Pagkatapos, ang kamatayan naman ni Ate Arianne. Nasaksihan ko ito maging ang pagsasakripisyong ginawa niya kaya hindi ko siya malilimutan. LID, iyon ang death word niya. Pagkalaon, naging mala-construction site ang paligid. ipinakita nito sa amin ang pagpapahirap at pagpatay kay Grace. ASPALTO, iyon ang kamatayang natamo niya sa kamay ni Ethel.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now