Chapter 86

17.5K 693 107
                                    

Mark's POV


Habang nakasakay kami sa bangka, hindi ko maiwasang hindi mapagnilayan ang mga nangyari sa amin noong nagbakasyon kami rito beach resort nila Ginny. Sariwa pa ang mga alaalang iyon at hinding-hindi namin makalilimutan.


Lumilipad ang isip ko habang nagkukuwentuhan sina Ginny, Morx at Time. Mas minabuti kong pagbulayan na lang ang mga alaala namin dito sa islang 'to kaysa ang makinig sa kanila. Maraming rebelasiyong nabunyag at nangyari ang mga kaganapang hindi inaasahan.


Miss ko na ang mga kaibigan at kaklase kong hindi nabigyan ng pagkakataon para mabuhay. Kumusta na kaya sila ngayon? Sana, okay lang ang kanilang mga kaluluwa.


"Ano kaya ang nangyari makalipas ang dalawang linggo?" tanong ko sa aking isipan.


"Malalaman mo ang kasagutan sa iyong katanungan kung isasawsaw mo ang iyong kamay diyan sa tubig habang umaandar tayo," tugon ni Time.


Nagulat akong bigla at napatingin sa kaniya matapos niya akong kausapin gamit lamang ang isip. Isang ngiti ang itinugon niya sa akin kaya naman sinunod ko ang kaniyang sinabi.


Pagkadampi pa lang ng tubig sa aking mga daliri, kakaibang lamig na ang aking naramdaman. Tila ba may kakaibang kuryente ang pumasok sa aking buong katawan matapos kong ilublob ang kanan kong kamay do'n sa tubig.


"Ipikit mo ang iyong mga mata para makapagsimula ka na," turan ni Time sa aking isipan.


"Ano kaya ang ginagawa ro'n ni Kuya Mark?" ani Morixette.


"Baka nagliliwaliw lang," tugon ni Ginny.


"Hayaan n'yo na muna siya r'yan. Huwag na natin siyang abalahin," saad ni Time.


Iyon ang huli kong narinig baka sila magbago ng pinag-uusapan. Ipinikit ko na agad ang aking mga mata para malaman kung paano kami natuntun doon makalipas ang dalawang linggo.


---


"Pare, dalawang linggo na ang nakalipas. Puntahan na natin do'n sa isla 'yung mga bata," bungad ng isang lalaki na nakasuot ng maluwang na t-shirt habang nag-aayos ng lambat sa may dalampasigan.


"Oo nga, pards. Baka mainip ang mga 'yon kapag hindi tayo dumating agad," tugon naman ng isang lalaki na nakasuot ng sando. Tila ba kinukumpuni niya ang kaniyang bangka.


Naaalala ko pa ang dalawang iyon, sila ang naghatid sa amin sa may isla.


Sa tantiya ko, alas otso pa lang ng umaga ay tumungo na sila sa isla para sunduin kami. Masaya pa silang nagkukuwentuhan habang sabay na nagsasagwan ng kaniya-kaniyang bangka patungo sa beach resort nila Ginny.


"Pare, bakit ang tahimik naman yata rito? Nandito pa ba sila?" litaniya ng lalaking nakasuot ng t-shirt pagkarating nila sa isla.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now