Chapter 40

23K 856 152
                                    

Jerico's POV


"Aanhin mo ba ang kaluluwa ko at nais mo itong makuha?" asik ko. Dahan-dahan akong tumatayo habang nakahawak sa gilid ng aking kama.


"Malaki ang maitutulong ng kaluluwa mo para mapalakas ko ang aking kapangyarihan. Higit na matutuwa si Death kapag napunta ka sa impiyerno," aniya. Tila ba may iniipon siyang lakas sa kaniyang kamay at patuloy pa rin itong nakatutok sa akin.


Nang makaupo ako sa ibabaw ng aking kama, isang kakaibang enerhiya ang kaniyang pinakawalan para maihagis ako. Labis ang aking pamamalipit nang tumama ang aking likod sa may pader. Para bang nakadikit ako rito at hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakatutok ng kaniyang kanang kamay sa akin.


"Malakas ka na, hindi mo na kailangan pang magpalakas pa!" giit ko kahit ako'y namamalipit.


"Tumigil ka na sa pagpatay ng mga inosenteng tao! Huwag kang magpalamon sa labis-labis na kapangyarihan!" dugtong ko pa.


Nagulat ako nang dahan-dahan niya akong ibaba sa sahig hanggang sa mapaupo ako rito. Hindi ko alam kung napabago ko ba ang kaniyang pananaw.


"Maaari mong gawin ang kahit na ano lalo pa't may kapangyarihan ka. Wala kang katatakutan kapag malakas ka. Sino bang hindi maghahangad ng ganito? Isa pa, wala kang alam patungkol sa akin," pahayag niya.


"Ngunit mayroon akong alam na hindi mo alam na ikinatitiyak kong magpapaguho ng iyong mundo," dugtong pa niya at naglakad siya papalapit sa akin. Naupo siya hanggang sa magkapantay kami.


Hindi ako tumugon sa kaniyang mga sinambit dahil maaaring ang mga ito ay huwad tanging gawa-gawa niya lang. Kung anuman ang ipapalam niya sa akin, pikit-mata ko itong sasamyuin.


"Huwag kang magugulat," aniya sabay haplos sa aking mukha.


Nakatitig lang ako sa kaniya at tila hinihintay ang kaniyang gagawin. Nang tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo, naglakad siya ng isang dipa palayo sa akin.


"Panuorin mo ito," saad niya at ikinumpas paitaas-baba ang magkabila niyang kamay sa kaniyang harapan.


May itim na usok na sumasalik sa kaniyang pagkumpas hanggang sa magkadugtong-dugtong ang mga usok na ito. Para itong screen na nagpapakita ng isang pangyayari. Bumungad doon ang imahe ni Morixette habang kausap ang isang babae.


"Hindi naman kasi masama ang crush-crush na iyan. Hangga't marami kang crush, the more chances of winning eka nga nila," paliwanag ng babaeng kausap niya. Kita ko mula sa mata ni Morixette ang ningning at wari mo'y enjoy na enjoy siya sa kanilang pinag-uusapan.


Medyo nasaktan ako sa ipinapakita sa akin ng babaeng nakaitim. Oo, maraming crush ang mga babae at hindi lang ako ang maaaring maging crush ni Morixette. Iba 'yung kirot, e.


Nang ipakita sa usok ang itsura ng lalaki, na-insecure akong bigla. Oo, malaki ang lamang niya sa akin pagdating sa pangangatawan, pero mas lamang naman ako ng paligo roon. Napapailing na lang ako sa tuwing napapanood ko kung paano siya kiligin. Dati, ako ang nakapagbibigay kilig sa kaniya ngunit ngayon, mas npapasaya na siya ng iba.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now