Chapter 50

21K 753 38
                                    

Ginny's POV


Masaya ako para sa kaibigan kong si Arianne. Mayamaya lang, makikita na niya at muling makakasama ang kaniyang kapatid.


Medyo naka-iinggit lang dahil wala akong kapatid but still masaya naman ako kahit na papaano... kahit hindi man lubusan.


Maaga kaming aalis dahil sa sobrang excited ni Sis Arianne... I just go with the flow na lang kaya support na lang ako sa kaniya.


Pagkaalis namin ng bahay nila Jerwel, alam ko sa sarili ko na mayroon akong nararamdaman na kakaiba. May hagod sa aking balat ang bawat pagdampi ng hangin habang binabagtas namin ang daan patungo sa sakayan ng jeep.


Ewan ko ba... Kinakabahan ako... Hindi ko na muna ipinaalam ito kay Arianne dahil baka masira ko pa ang araw niya.


"Sis, pasensiya na sa abala, a? Miss na miss ko lang talaga ang kapatid ko," aniya. Nakapila kami ngayon sa terminal ng jeep.


"Wala 'yon, Sis. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang din 'di ba?" tugon ko.


Batid ko kung gaano siya ka-thankful sa akin. Magkaiba ang antas namin sa lipunan pero hindi ko hinayaan na maging mitsa ito para sa aming pagiging magkaibigan.


"Miss, sasakay ba kayo o hindi?" singit ng babae sa aking likuran. Hindi namin namalayang nakasakay na pala ang mga tao sa harapan namin.


Naunang sumakay si Arianne kaysa sa akin. Bago ako sumakay, para bang may enerhiyang pumipigil sa akin.


"Sis? May problema ba?" tanong ni Arianne dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakasakay sa jeep. Nakahawak lang ako sa hawakan pero hindi ko maihakbang papaakyat ang aking binti.


Nang aking idako ang aking paningin sa may bandang kanan, napukaw ng babaeng nakaitim ang aking atensiyon habang nakatayo siya sa may tabi ng tindahan. Matalim ang kaniyang pagkakatitig sa akin habang suot ang isang mapantuyang ngiti.


"Helga..." sambit ko sa aking isipan.


"Miss, ano ba? Aakyat ka ba o hindi? Marami kaming naghihintay rito sa likuran mo, o!" anas ng babae sa aking likuran kaya nilingon ko siya.


"Pasensiya na, heto aakyat na..." malumanay kong tugon.


Nang muli kong ibalik ang aking pansin sa may tindahan, wala na roon si Helga.


Buong biyahe, siya lang ang iniisip ko. Iniisip ko kung ano ba ang aking dapat na gawin kung sakali man na ako ang puntirya niya. Oo, wala akong laban sa kaniya pero hindi ko hahayaang maging kasangkapan para mamatay muli. Nabuhay ako para ituloy ang laban, hindi para maging instrumento upang maging sahog sa katayan.


"Sis, masyado yatang malalim ang iniisip mo. May bumabagabag ba sa iyo?" tanong ni Arianne habang nasa gitna ng biyahe.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now