Epilogue

24.7K 942 752
                                    

Matapos maikulong ni Death sa loob ng libro, namayani na ang kapanatagan ng kanilang loob. Labis ang pasasalamat nila Agatha sa tatlong sorsera para mapabagsak ang kadiliman.

Walang mapagsadlakan ang kaligayahang namumutawi sa kanilang puso ngayon. Nakamit na nila ang kapayapaan ngunit nagbabaka sakali rin silang maibalik sa dati ang kanilang buhay.

"Maraming salamat ulit sa tulong n'yo," bungad ni Agatha. Nakaupo silang lahat sa bleachers upang makapagpahinga.

"Walang anuman. Para din naman ito sa ikatatahimik ng lahat," tugon ni Life.

"Ano na ang plano n'yo ngayong wala na si Death?" pagsingit ni Rox. Nagkatinginan ang tatlong sorsera at bahagyang napangiti.

"Kailangan naming siguraduhin na hindi na 'to mauulit pa," pahayag ni Time.

"At para mangyari iyon, kailangan din naming pumasok sa loob ng AlphaBaKaTa," dagdag pa ni Cross.

"Hindi ba p'wedeng pumarito na lang kayo?" tanong ni Nikka.

"Kung p'wede lang sana kaso hindi kami nababagay sa mundong ito," turan ni Life.

Bahagyang natahimik ang lahat at tila ba nalungkot dahil sa tinuran ni Life.

"Kahit na ganoon, labis pa rin kaming nagpapasalamat sa inyo dahil sa tapang na inyong ipinamalas para harapin ang kadiliman," ani Cross.

"Alam naming masyadong mahirap ang pagsubok na kinaharap ninyo pero hindi kayo nagpatinag at patuloy na lumaban," dugtong pa ni Time. Itinuon niya ang kaniyang tingin kay Morixette na nakatingin lamang sa malayo.

"Morixette..." pagtawag niya sa dalaga. Tila ba hindi ito narinig ni Morx at patuloy pa rin sa palipad ang kaniyang isip.

"Momo, salamat sa iyo," sambit ni Roxette sa kapatid sabay yakap nang mahigpit. Nagulat ang dalaga dahil sa ginawa ng kaniyang ate. Wala pa rin siyang ideya kung bakit tila ba naglalambing ito sa kaniya.

"Naku, Ate... anong drama na naman ba 'to?" tanong ni Morx habang nangingilid ang kaniyang luha.

"Salamat, Morixette!"

Hindi alam ni Morx kung bakit nagpapasalamat sa kaniya sina Agatha, Ginny, Mark at Nikka. Sa isip-isip niya, wala naman siyang naitulong sa kanila.

Ilang saglit pa, tumayo ang tatlong sorsera habang tangan-tangan ni Life ang libro.

"Bilib ako sa iyo dahil nakayanan mong lagpasan ang lahat ng pagsubok na iyong pinagdaanan. Saksi ako sa lahat ng pangyayaring iyon, kahit na nahihirapan ka na at gusto mo nang sumuko, hindi ka pa rin nagpatinag," ani Time. Dahil sa mga katagang iyon na binitiwan ni Time, hindi na napigilan pa ni Morixette ang pagtulo ng kaniyang mga luha dahil sa pagsidhi ng kaniyang damdamin.

"Isa kang mabuting halimbawa sa iba. Kahit na sawi ka pagdating sa pag-ibig, lagi mong tatandaan, maraming nagmamahal sa iyo," pagtutuloy ni Time.

Nang dahil sa narinig, hindi naiwasan ni Morixette na humagulgol habang nakayakap sa kaniyang ate. Isa-isa niyang nagunita sa kaniyang isipan ang lahat ng pinagdaanan.

"Kaya mo ring magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami kaya saludo kaming lahat sa iyo," segunda ni Life.

Dumagundong ang paligid dahil sa pagpalahaw ni Morixette sa pag-iyak. Nag-group hug silang lahat para maiparamdam sa dalaga na may kaagapay siya.

"Maraming salamat sa inyong lahat, guys... lalong-lalo na sa pinakamamahal kong ate na kahit hindi niya ako tunay na kapatid, ipinaramdam pa rin niya sa akin na importante ako..." pahayag ni Morixette habang nagpupunas ng luha. Nasa likod niya lang si Rox at hinahagod ang kaniyang likod.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon