Chapter 31

26.9K 958 94
                                    

Morixette's POV


Lupaypay kaming naglalakad palabas ng ospital sapagkat bigo kaming iligtas si Padre Santiago. Isa pa, nababahala ako sa letrang L na nakalagay sa noo nito gamit ang puting lipstick. Ito nga ba'y katulad sa ABaKaDa may nais iparating?


"Morx, mukhang katulad sa Alphabet na ginamit ni Xiara sa amin noon, maaaring may nais siya o silang iparating sa atin sa pamamagitan ng letrang sa kanila manggagaling," pahayag ni Ate Arianne habang binabagtas namin ang daan.


Nakahilig ang ulo ni Ate Ginny sa balikat ni Ate Arianne at ang dalawa niyang kamay ay nakayapos sa braso nito habang naglalakad. Ako naman, nakatingin lang sa malayo habang patuloy sa pagmumuni-muni.


"Parang ang hirap nilang talunin. Hindi ko alam kung paanong diskarte ang dapat na gawin..." ani ko.


"Ngunit, sino naman kaya sa tatlong maria ang tumapos sa buhay ng pari? Hmmm..." segunda ni Ate Ginny.


Nang tuluyan kaming makarating sa entrada palabas ng ospital saka naman umihip ang isang malamig na hangin na sa bawat pagdampi nito sa aming balat ay may ibayong panginginig. Napahalukipkip na lamang ako nang dahil doon.


"Sandali," giit ni Ate Ginny.


Napahinto kaming tatlo dahil para bang may nais siyang sabihin.


"Guys, napaisip lang akong bigla. Bakit kaya lipstick ang ginamit upang ipaalam ang letra?" aniya.


Maganda ang ideyang naisip ni Ate Ginny. Maski ako ay napaisip kung bakit.


"Siguro para maiba naman? Alam mo namang may kapangyarihan ang tatlong iyon..." saad ni Ate Arianne.


Medyo nakaharang kami sa bukana ng ospital at nakaaabala kami sa pagpasok ng mga tao.


"Guys, maupo muna tayo sa may bench," mungkahi ko.


"Ay, sige," pagsang-ayon naman nila.


Kaagad kaming tumungo sa may bench malapit sa isang tricycle na nakaparada.


"Siguro nga... pero kataka-taka lang talaga, e," bungad ni Ate Ginny pagkaupo namin doon.


Umihip na naman sa direksiyon namin ang isang malamig na samyo ng hangin. Pamilyar sa akin ang ibayong lamig na ganito, kung hindi ako nagkakamali...


"Mga ate, hindi ko alam kung ilan silang nandito pero sigurado akong may nagmamasid na maria sa atin," sambit ko.


Naging alerto kami kaagad at nagpalinga-linga sa paligid.


"Mga hija, may hinahanap ba kayo?" ani ng isang lalaki na nagmamay-ari yata ng tricycle. Nakaupo lamang siya roon habang naninigarilyo.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now