C H A P T E R 2

2.5K 81 15
                                    

Missing: Lukrecia Kamulag



F E A R  D E G U Z M A N - C H A V E Z

"Mommy! May tao sa labas ng gate!" sigaw ng ana kong si Baby Kevin na nasa may salas ngayon.

"Huwag mong pagbubukasan ha! Ako lang ang magbubukas!" sigaw ko sa kanya mula rito sa banyo. Binabanlawan ko kasi 'yong mga damit ng asawa't anak ko. Linggo kasi ngayon kaya naglaba ako ngayon. Noong may maid pa kami na ang pangalan ay Lukrecia Kamulag, siya ang gumagawa ng lahat ng ito, pero noong umalis na siya, ako na lahat. Hindi rin kasi kami makapag-hire ng bago kasi hindi masyadong matiwala iyong asawa ko. Kaya ang nangyari, ako ang natoka sa lahat. Mommy sa araw, asawa sa gabi, blogger sa free time at businesswoman sa sabado. May salon din akong pinapatakbo.

"Halika muna baby," pinulot ko 'yong anak kong si Baby Kevin sa sahig na naglalaro ng mga barbie niya at dinala ko siya sa second floor ng bahay kung saan natutulog 'yong Daddy niya.

"Babyloves, gising na," sabi ko sa asawa kong tulog na tulog pa sabay halik sa lips niya.

"Maya na..." aniya tapos niyakap niya ako.

"Pereng tenge nemen te eh!" sabi ko sa kanya at tinapik ko iyong well toned biceps niya na may dalang panggigigil.

"Ayusin mo nga 'tong boxers mo Babyloves. Masyado ka ng pa-stress sa work eh, 'di mo na naayos 'tong boxer breif mo," sabi ko sabay ayos sa boxers niya na siyang ikikiliti niya.

Niyakap niya ako ulit bago pa kung saan mapunta ang kamay ko, "Buo pa tayo ng isang baby, Chocogirl!" bulong niya sa tainga ko.

"Sure."

"Talaga!"

"Oo, pero ikaw ang umere!" sabi ko sa kanya tapos umalis na ako sa kama.

"Saan na ba 'yong anak natin?" tarantang tanong ko at nang dumungaw ako sa ilalim ng kama, natagpuan ko roon si Baby Kevin.

"Baby? Nagpa-power trip ka na naman diyan! Hali ka nga!" Sumuong ako sa ilalim at kinuha siya roon at itinabi siya sa Daddy niya.

"Babalik pa ba si Lukrecia?" tanong ni Baby Kevin na siyang ikinalungkot ko... "Baby, umalis na si Lukrecia kasi gusto na niyang magpakasal kay Dudong, tuparin ang pangrap niya at magkapamilya," sabi ko sa kanya.

Maging ako ay nalungkot din noong umalis na si Lukrecia sa bahay. Ilang years din namin siyang nakasama eh.

Noong bumaba ako, pinuntahan ko na iyong sinasabi ni Baby Kevin na tao sa labas ng bahay.

"Sino po sila?" tanong ko nang lumabas ako ng gate.

"Hi Ma'am, ako po su Jerms. Head po ako ng promotions ng Feel Free Company," sabi noong lalaki sabay pakita sa akin ng business card niya. Mukhang model iyong lalaki. Matangkad. Chinito. Tapos naka-tuxedo.

"'Yong sikat na c0ndom company?" tanong ko sa kaniya matapos tignan 'yong card niya. Alam namin 'yon ng asawa ko eh.

"Yes po. Uh, may hinahanap po kasi kaming Lukrecia Kamulag. Gusto po kasi ng CEO ng company namin na siya ang gawin model ng ng packaging ng product namin. Napag-alaman po kasi namin na dito daw siya sa inyo nagta-trabaho bilang kasambahay."

"Teka? Anong model---" Nahinto ako bigla sa sinabi ko.

Kahit hindi ako si Lukrecia, bigla akong nainsulto sa sinabi niya. "Hoy Jerms! Anong akala mo kay Lukrecia? *** ng lalaki? Mukha ba siyang **** ng lalaki? Ikaw sir ha! Umayos ka! Nasa tapat ka ng pamamahay ko kaya umayos ka!" nagigigil gilagid ko siyang tinuro-turo. Hinayupak! Kahit iba ang datingan na Lukrecia, deserve pa rin niyang respetuhin. At tsaka hindi naman ganoon ka panget si Lukrecia! Kulang lang siya sa ayos kaya nagmumukha siyang ewan.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon