C H A P T E R 25

1.1K 40 8
                                    

Dug. Dug. Dug???

L U K R E C I A

MAGKATABING natulog si Mr. Lee at Lukrecia buong gabi at dahil limited lang ang kumot sa bahay nila Lukrecia ay si Lukrecia na mismo ang naging kumot ni Mr. Lee. Dahil sa pagod ay hindi na nila namalayan na magkayap na pala sila sa buong gabi.

The moment that Lukrecia woke up, wala na si Mr. Lee sa tabi niya. At nang lumabas siya ng kuwarto niya ay nagulat na lang siya nang makita si Mr. Lee na nagsisibak na ng panggatong. Kilig na kilig si Lukrecia sa nakita niya lalo pa't walang shirt si Mr. Lee at pawis na pawis din ito.

Nag-igib si Mr. Lee ng tubig at noong natapos siya ay mabilis siyang nilapitan ni Lukrecia....

"Soreh," (Sorry) ani Lukrecia sabay punas ng mga pawis ni Mr. Lee na tumatagaktak sa bawat pecs at muscles nito.

Nakatitig lang si Mr. Lee kay Lukrecia habang pinupunasan siya nito. At noong malapit nang matapos si Lukrecia sa pagpupunas ay hindi na nagpigilan ni Mr. Lee ang sarili at hinalikan niya na si Lukrecia ng biglaan.

"Omo!" Parang tinamaan ng kidlat si Lukrecia. Parang nalasing siya bigla sa ginawa ni Mr. Lee.

"Narinig kita kagabi..." ani Mr. Lee na ikinaawang ng bibig ni Lukrecia.

"A-anung narineg m-mu?"

"Sinabi mo sa'kin na kung magmamahal kang muli, ako ang ideal guy mo..." nakangising ani Mr. Lee.

"Hendi ku senabi 'yun!" Lukrecia lied. Buong pagtanggi niyang isinigaw iyon sa harap ni Mr. Lee.

Tawang-tawa si Mr. Lee sa naging reaksyon ni Lukrecia. Hindi rin alam ni Lukrecia kung kaya pa ba niyang talagan ang tagpong iyon dahil pulang-pula na talaga ang mukha niya. Mabuti na lang at sa kalagitnaan ng pamumula niya ay tinawag na siya ng Mama niya.

"Ali na mo Lukrecia ug Mr. Lee! Mamahaw na ta!" (Hali na kayo Lukrecia at Mr. Mag-aagahan na tayo!"

"Upo ma!" giit na sigaw ni Lukrecia at padabog siyang pumasok pabalik sa bahay nila. Naiwang tawang-tawang si Mr. Lee.

"Pero ideal woman din kita Lukrecia," he said in the mid air at sinundan niya na si Lukrecia.

Isang masarap na kinilaw na TUNA ang kinain nila na pinaresan ng tuyo at sandamukal na daing.

Nagtawanan lang din ang Nanay at Tatay ni Lukrecia pati si Mr. Lee lalo na noong kinuwento ng mga magulang ni Lukrecia 'yung first regla niya na akala niya ketchup kaya ginawa niyang sauce sa fried tilapia, pati na 'yung first time na pumasok ni Lukrecia sa school at bigla itong natae sa palda, noong nag-highschool ito at nakalimutan nitong mag-panty at pati na noong nag-first holy communion ito at maluwang ang panty na suot nito kaya biglang nalalag habang dinadasalan siya ng pari at marami pang iba.

At noong natapos na silang kumain ay nag-ayos na nga ng mga gamit si Lukrecia at Mr. Lee. At noong natapos sila sa pag-aayos ay inihatid na sila ng mga magulang ni Lukrecia sa may bus stop sa highway.

"Ingatan mo ang anak ko ha? Kasi kung hindi, tutuliin talaga kita," usal ng tatay ni Lukrecia kay Mr. Lee. Bakas sa mga mata ng tatay ni Lukrecia ang lungkot ng pag-alis ng anak niya. 12 years din silang hindi nagkita kaya bakas sa mukha nito ang pagpipigil ng emosyon.

Natawa naman si Mr. Lee sa sinabi nito, "Yes pa. Walang problema. Iingatan ko si Lukrecia." Inakbayan ni Mr. Lee si Lukrecia at napayuko naman si Lukring dahil sa kahihiyang idinulot sa kanya ng tatay niya.

"Lukrisya, padala ka palagi ng pira ha?" sabi naman ng Nanay ni Lukrecia na si Felicia. Kabaliktaran ng Tatay ni Lukrecia ay mababakas sa mukha ng nanay niya ang hindi maipaliwanag na saya sa pag-alis niya.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now