C H A P T E R 3

2.1K 70 13
                                    

Finding Lukrecia Kamulag

A N G E L I N A

"Hello po?" bati ko kay kuya Jerms. Nagulat yata siya nang magsalita ako. Kumurap kurap ako. Ang bigat kasi ng peluka ko.

"Uhh, sabi ni Ma'am Fear, isa ka raw sa mga huling nakahalubilo ni Miss Lukrecia. Hinahanap kasi namin siya para mag-model sa aming product kaso hindi namin siya matagpuan, may idea ka ba kung saan siya ngayon? May sinabi ba siya sa'yong lugar na pupuntahan niya?"

"Saglit lang po ha?" sabi ko kay Kuya Jerms at maya-maya pa ay nag-flashback ako sa aking isipan....

Hilong-hilo kami ni Stacy nang makarating kami sa first floor ng bahay ng parents ni Baby Kevin. Galing kasi kami sa second floor at pinaglalaruan kami ni Baby Kevin doon. Nilublub niya 'yong parehong mukha namin ni Stacy tubig ng anidoro sa CR.

Ang sakit ng katawan namin ni Stacy. Pa'no ba naman kasi itong si Baby Kevin, kung maka-alog alog sa'min e, wagas! Todo bali pa sa mga parts ng katawan namin. Tapos 'yung pagkakasuklay niya ng buhok namin, wagas din! Tanggal lahat ng strands! 'Yung bumbunan ko nga oh, wala ng buhok! Nagmukha ng paliparan ng airport sa sobrang lapad.

"Baby saan ka?" sigaw ni Mommy Fear na nagbabasa ngayon ng WAGFILWAG sa computer nila. Inis kaya si Mommy Fear doon sa author, delay mag-update! Pero 'yung A Wish On A Starless night niya ha! Grabe! Nakakabitin na nakakakilig. Ang daming typo.

"Palabas na po," sabi naman ni Baby Kevin sabay bitbit sa'min ni Stacy na badtrip ngayon kasi nasa gitna ng legs niya 'yung ulo niya. Baliw-baliwan din kasi itong si Baby Kevin e.

Maya-maya pa, nakalabas na si Baby Kevin. Bumaba siya sa second floor at nagpunta sa kuwarto ni Lukrecia. Wala siyang magawa kaya sa isip niya, iinisin niya na lang si Lukrecia.

Kakatukin na sana ni Baby Kevin 'yung pinto kaso naisip niyang kailangan niya munang gulatin si Lukrecia. So ang nangayari, pumunta si Baby Kevin sa may garahe kung saan nakapark ang kotse ng daddy niya. Gamit ang duplicate key, binuksan ni Baby Kevin ang gas tank.

Gamit naman ang straw, sinipsip ni Baby Kevin ang gasolina.

"WAAAAAAA!!!" sigaw namin ni Stacy habang nanlalaki ang mga mata.

Akala namin, malalason na si Baby Kevs ng tuluyan pero hindi naman pala. Pa-unti-unti niyang sinipsip ang gasolina at isinalin na sa isang timba. Oo! Isang timba! Ganun ka rami.

Dinala ni Baby Kevin ang gasolina sa may second floor at ibunuhos sa may pinto ni Lukrecia.

Natawa si Baby Kevin habang hinihintay ang pagsigaw ni Lukrecia pero inabot na lang siya ng isang oras, wala pa ring sumisigaw sa loob. Usually, mga 2 minutes pa lang, sisigaw na si Lukrecia pero ngayon, walang sumigaw na Lukrecia.

For the first time, kinatok ni Baby Kevin ang pinto.

Pero...

walang Lukrecia ang nagbukas.

Kinabahan si Baby Kevin, bigla niyang naalala ang sinabi ni Lukrecia last week noong birthday niya.

"Bebi Kebin, magpakabaet ka ha? Se mameh Fir mu madale 'yang ma-enes. Si Dadeh mo naman, madaleng mag-istress. Tapus 'yung mga asaymints mu, gawen mu palagi. Basta, bebi ha? Mageng mabuti kang tiyanak."

"Lukrecia, I'm not a tiyanak."

"Esti, anak pala. Hehi-hehi," sabeh ni Lukrecia.

"At esa pa pala Bebi. Kahet palage mong akong inaape, lab pa rin kita. Alam mo 'yan. Kahit nelalagyan mo ng lasun ang pagkaen ko, mahal paren ketah. Kahet nelalagyan mo ng thumbtacks ang puwet ko, oki lang bebi."

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now