C H A P T E R 18

1.2K 50 7
                                    

The Perimeter

IT'S already 3:05 PM. Kakatapos lang maasikaso ni Marie ang mga kailangan ni Lukrecia para makalipad ito papuntang Davao City. Mula sa security na kamuntikan ng mapauwi si Lukrecia dahil may takure sa luggage niya, hanggang sa wakas ay makarating na sila terminal 3 ay hype na hype na tinulungan ni Marie si Lukrecia.

"Upo ka lang diyan, may bibilhin lang ako," ani Marie at iniwan niya saglit si Lukrecia sa kinauupuan nito.

"Sige." Late masyado ang reply ni Lukrecia dahil wala na si Marie sa gilid nang sabihin niya iyon.

Sa kalagitnaan ng paghihintay kay Marie ay napausog siya bigla nang may tumabi sa kanyang foreigner. American. 67 year's of age. Lalaki. Kumakain ng burger. Naglaway bigla si Lukrecia.

"Hey there?" ani ng kano.

"Ha? Ako si Lukrecia, hindi ako si HITLER," inosente niya namang sagot na hindi na pinansin ng kano.

Everything looks unfamiliar for Lukrecia. Mula sa mga taong nakaupo rito sa boarding area na panay ang kalikot ng mga telepono. Mula sa mga nakasabit na mga monitors na adjacent sa mga dingding ng buong area. Mula sa mga palakad-lakad na staff ng airport. Mula sa labasan kung saan kita niya ang isang eroplanong kaka-landing pa lang. Everything is too new for her.

Aminin man ni Lukrecia o hindi, takot siya sa bagay na bago sa kanya. Kapag may nae-encounter siyang bago, parang nagiging cloudy ang isipan niya. Nariyang lumilinya agad sa isip niya ang takot na mapahiya, takot na magtanong at takot na baka magkamali siya. Yet right now, she's conquering her fears. Sa isip niya, nahinuha niyang wala rin naman siyang mapapala kung hindi siya sususbok na bago. May nabasa pa naman siyang isang post sa instgram this morning na nagsasabing, "To those who resist change, they will become extinct like a dinosaur."

"Ayoku mageng dinosaur," aniya sarili. Maya-maya pa ay dumating na si Marie.

"Here!" Lumingon si Lukrecia at nakita niya si Marie na inabutan siya ng coffee frappe. Ngumiti siya at tinanggap ang inaabot sa kanya ni Marie. At nang akmang iinumin niya na iyon ay bigla siyang natigilan nang magsalita si Marie. "Miss Lukrecia, tanggalin mo muna ang takip bago ka mag-sip. Useless din naman kasi kung itatapat mo sa labi mo 'yung edge ng frappe tapos may takip pa, right?"

"Ay soreh," ani Lukrecia. Natawa siya bigla. Napahiya kasi siya. Ano ba kasi ang iniisip niya? Pagtanggal na nga lang ng takip, nakakaligtaan niya pa?

Nang mabuksan na ang frappe ay mayumi namang umupo si Marie sa tabi niya. Bago siya uminum ay nagsalita siya, "Soreh Mareh ah! First time ku kaseng mag-ganetu. 'Yung mag-erplin ba! Nuong una ko kasing punta reto sa Maynila nuong 14 pa lang aku e barko lang ang senakyan ko," pag-amin ni Lukrecia.

"What? 14? Tika, I mean, teka. Gosh nahahawa ako sa accent mo. Uhm, saan ba kasi ang probinsiya mo?"

"Sa Ginsan."

"Gin, oh! Gensan."

"Uu."

"Hmmm. So bakit sa ganoong kabatang edad eh nagpunta ka rito?"

"Para makepagkapuskapalaran."

"What?"

"I men, para MAKI-PAG-SA-PA-LA-RAN."

"Ahh, okay." Humigop ng kape si Marie. Naloloka talaga siya sa accent ni Lukrecia. "Alam mo Lukrecia, feel kita eh. Ako, galing din ako sa Ilo-Ilo. 'Yun nga lang, 23 na ako pumunta rito para magtrabaho. Noong una, nag-call center ako. Okay 'yung sahod pero hindi talaga kaya ng katawan ko 'yung nightshift, so 'yun nag-apply ako sa company ni Mr. Lee."

"Ahh." Tumango-tango si Lukrecia. Na-realize lang niyang hindi naman pala mataray si Marie. Sadyang pang-kontrabida lang talaga ang buhok nito na hanggang leeg with bangs at sadyang pa-bagsak lang talaga ang tono ng pagsasaloto nito dahol ito pala ay Ilongga eh! Ala eh! Bakit naging nabatanggenyo ire?

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon