C H A P T E R 11

1.4K 54 19
                                    

Resorts World Manila

L U K R E C I A

"Baby..."

Natulala si Lukrecia. Nasa harap niya na si Dudong. Hindi niya inakalang dadating ito bigla.

Bigla niyang naibaba ang breif na nilalanghap-langhap niya kanina at tulala lang na napatingin sa malungkot na mukha ni Dudong.

"Baby..." pagtawag nito sa kanya.

Narinig niya uling nagsalita si Dudong.  Dudonh sounded like he was begging for her to talk with him.

"Anung ginagawa mu ritu?" ulas ni Lukrecia, trying to sound strong kahit alam niyang anytime ay maiiyak na siya.

"Baby, please?"

Tinangka siyang lapitan nito pero itinulak ni Lukrecia si Dudong.

"Matapos mo akong paghintayin ng elang uras sa Plaza tapus anu, puponta ka retu?" Hindi na napigilan ni Lukrecia ang sarili. Kumibot na ang kaniyang mga labi at nagkaroon na ng malaking bato sa kanyang lalamunan. Galit na galit siya kay Dudong na tipong halos madurog na ang kaniyag third molar dahil sa panggigil na nararamdaman.

"Baby, mag-e-explain ako, please. Pakinggan mo ako. Please baby, maawa ka."

Umurong ang nagbabadyang mga luha ni Lukrecia nang biglang umiyak si Dudong sa harapan niya. Lumuhod din ito at nagmakaawa sa kanya na pakinggan siya nito.

"Baby please, pakinggan mo ako."

Nakita ng dalawang mga mata ni Lukrecia na  humagulhol si Dudong habang nakaluhod ito sa harapan niya.

And seing Dudong like that made Lukrecia softened her heart.

Kumalma siya habang pinapanuod ang pagluha ni Dudong sa harapan niya. Nag-isip siyang maigi. Hindi siya dapat magpadala sa pinaghalong galit, puot at sakit. Kailangan niyang kumalma. Afterall ito rin naman din ang gusto niya 'di ba? Kaya niya nga rin hinintay si Dudong sa Plaza para mag-explain ito sa kanya kung ano ang dahilan kung bakit siya nito niloko.

"Sondan mo aku," seryosong ani Lukrecia at naglakad na siya palabas ng bahay.

Sa mismong tulay kung saan dapat nagpakamatay si Lukrecia ay doon sila huminto ni Dudong. Pareho silang nakatanaw sa city lights ng buong syudad habang mga siko ay nasa rail ng tulay.

Hinintay ni Lukrecia na umimik si Dudong at noong lumipas na ang ilang minuto at wala pa rin siyang narinig dito ay siya na mismo ang unang nagsalita.

"Baket mo nagawa 'yun?" tanong niya at nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao ni Dudong.

"Nakilala ko si Niña sa isang bar noong nakaraang buwan. Nalasing kami at nagpunta kami sa bahay mo."

Mapait na yumuko si Lukrecia dahil alam niya ang kadugtong ng susunod na  sasabihin ni Dudong.

"At 'yun nga, ikaw na mismo ang nakakita. May nangyari sa amin," mapait nitong dagdag.

"Nuon bang tayu pang dalawa, may nakakasiping ka ng iba't-ibang babae?" tanong ni Lukrecia. She wants to know.

"Oo."

"Ilan?"

"Marami. Hindi ko na mabilang."

Lukrecia kept her cool. Nakatitig siya sa mga mata ni Dudong nang sabihin nito ang huling mga binigkas na salita. May hinala na dati si Lukrecia na ganoon nga ang ginagawa ni Dudong pero hindi niya ito magawang paghinalaan kasi mahal na mahal niya ito. At siguro ganoon naman tayo hindi ba? Kapag nagmamahal tayo ng sobra-sobra, nabubulag tayo sa mga kamalian ng taong mahal natin. Because when we fell hard on a certain person, that person appears perfect to us. Kahit may malunggay ito sa ngipin o nakalabas na buhok sa ilong, sa mga mata natin, iyong tao pa ring iyon ang pinakamaganda o guwapo sa buong mundo. Kasi nga, mahal natin sila at nabubulag tayo sa pag-ibig na nararamdaman natin para sa kanila.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora