C H A P T E R 27

1K 42 10
                                    

A Kiss in the Rain

K I D A L L E N T O N

Kid can't stand it. Hindi niya magawang tanggapin sa sarili ang na-recieve na text mula sa Dad niya.

"Bagong mommy? Bagong mommy? Ahh!" sumigaw si Kid at hinampas ang bag niya sa pader ng isang room. Galit siya. How could his dad afford to replace his mom!

"Hoy Kid!" Pinagtitinginan si Kid nang maliliit na mga grade 5 students na kaklase niya. Yeah. Although Kid is 17 year's old, grade five pa lang siya. Bukod sa paulit-ulit siyang bumabagsak sa mga subjects niya ay madalas din siyang lumiliban sa mga araw na mayroon siyang pasok. At ang dahilan, gusto niyang mag-rebelde para bumalik na ang Mom niya.

"Ano ha!? galit na sigaw ni Kid sa mga classmates niya. Mabilis silang nagsitakbuhan dahil sa pulang-pula at galit na mukha ni Kid.

Sinipa niya ang isang flower pot at nang makita itong mabasag ay pinulot niya na ang bag niya. At habang pinupulot iyon napansin niyang may dalawang tao na paparating patungo sa direksyon niya.

"Ayon si Kid!" Narinig niya si Jambo sa hindi kalayuan kaya mabilis siyang naglakad palayo. Dumaan siya pagitan ng canteen at grade five classrooms at agad na dumeristo sa labasan kung saan naroon ang quadrangle.

At dahil nagmamadali ay hindi niya namalayan na nilagpasan niya lang pala si Lukrecia na nakaupo lang sa isang bench sa quadrangle na iyon.

Ayaw na ni Kid na makausap pa si Jambo at Nathan. Hindi man niya sinasabi pero insercure siya sa dalawa niyang kaibigan na iyon. Jambo and Nathan are already Grade 12 students. At kung tutuusin ay senior niya na si Jambo at Nathan kahit na magkakalapit lang naman talaga ang mga edad nila.

Bukod sa entrance na siya ring exit ay wala ng ibang labasan sa WA. Iyong namang daan na konektado sa Wilson University ay masyado namang malayo ang entrance kaya kahit malaki ang tiyansang makita siya rito ng Dad niya at dito pa rin siya dumaan.

Nakalabas na siya ng WA. Naka-igting ang parehong panga niya nang maglakad siya sa sidelines. Maya-maya pa ay saglit niyang ibinaba ang bag niya at kinuha roon ang isang black jacket na may hood. Sinuot niya iyon at muli siyang naglakad ng mabilis.

Nang makita niya naman ang sasakyan ng Dad niya na paparating pa lang at mabilis siyang yumuko.
* * *
L U K R E C I A

NAPATINGIN si Lukrecia sa kanyang relo. It's already 12 noon. Tirik na tirik ang araw sa buong WA at pakiramdam niya ay nanglalapot na siya.

"Saan na ba si Demunyo?" Nilingon niya ang gate. Nakaupo pa rin siya sa bench. Saktong paglingon niya roon ay nakita niya ang isang matangkad na estudyante na lumabas doon. It was actually Kid.

Maya-maya pa ay nakita ni Lukrecia na nagbukas na ng malawak ang gate. Isang pamilyar na sasakyan ang pumasok. Matte Black ang kulay. Isang Audi.

Nag-park ang sasakyan sa ilalim ng puno ng mangga na malapit lang sa bench na kinauupuan ni Lukrecia. At bago pa siya makatyo sa kinauupuan niya ay nakita niya ng lumabas si Mr. Lee sa sasakyang iyon.

Mabilis siyang napangiti. Nakangiti rin kasi si Mr. Lee sa kanya. At kagaya niya ay may halo ring hiya ang ngiti ni Mr. Lee. Natawa siya.

Kakasara pa lang ni Mr. Lee ng pinto ng sasakyan pero pansin na agad ni Lukrecia ang neatness sa suot ni Mr. Lee ngayon. Mr. Lee's wearing a white sleeve na nakatact-in sa maong pants nitong hapit na hapit sa legs nito. Kakulay din ng belt nito ang sapatos na suot.

"Hey?" Iyong binigkas ni Mr. Lee sa pinakaunang hakbang na ginawa niya patungo kay Lukrecia. Mas lalo pang napangiti si Lukrecia sa paunang bati ni Mr. Lee. Tumaas saglit ang balikat niya, yumuko at kinagat ang dila dahil sa sobrang kilig na naramdaman.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now