C H A P T E R 23

1.1K 36 13
                                    

Andami Pira Ah!

"LUKRECIA!" natatarantang sigaw ni Mr. Lee sa nangingisay pa rin na si Lukrecia na narito sa harap ng isang panaderya sa Metro Gensan. Nasa mga bisig ngayon ni Mr. Lee ang ulo ni Lukrecia at ang ibang parte naman ng katawan nito ay nakahilata na sa riprap.

Makikita natin ng unconscious pa rin talaga si Lukrecia. Although hindi naman bumubumula ang bibig nito pero talagang totohanang nanginginig ang katawan nito.

"CALL THE AMBULANCE NOW!!" galit na galit na sigaw ni Mr. Lee sa mga taong nakapalibot sa kanila. Nang may nakita na si Mr. Lee na tumatawag na ng ambulansiya ay itinuon niyang muli ang atensiyon niya kay Lukrecia.

* * *
K I D A L L E N T O N

"KID, 'yung bola!" sigaw ni Jambo sabay bato ng hawak na bola papunta kay Kid. Madilim na ang paligid ng mini-basketbal court ng Wilson Academy. May ilang classroom sa paligid naka-on ang ilaw pero iyon lamang iyong mga room na kasalukuyang nililinisan ng mga janitor.

"Thanks!" sabi naman ni Kid nang makuha niya ang bola. Nag-dribble siya at maririnig natin ang pagtalbog ng bola. Makikita rin natin na tagaktak ang pawis sa napaka-smooth at banayad na mukha ni Kid. Naka-awang ang bibig niya, hinihingal. Matulis naman ang mga mata niyang nakakatitig sa naka-guard sa kaniya na si Nathan.

"Hala Chicks!" sigaw ni Kid at napalingon naman si Nathan sa pinapatungkulan ni Kid. Nang mawala ang focus ni Nathan ay mabilis na nag-cross over si Kid at...

"Shoot!" sigaw niya nang i-dunk niya sa bola ang ring. Nagpalambitin saglit si Kid sa ring at kasunod ng pagbaksak ng bola sa sahig ay agad na rin siyang bumaba.

"Yohoo!" sigaw naman ni Jambo. Pumalakpak siya. Tumalbog ang tiyan ng tumalon kaonyti.

"Langya ka Kid," natatawang ani naman ng pikong si Nathan.

"At dahil si Kid ang nanalo...." nag-expand bigla ang mukha ni Jambo.

"Oh ano?" ani Kid.

"Ililibre mo kami ni Nathan ng puto't dinuguan sa Soo Jang Min Resto!"

Hiningal na lumapit si Kid sa dalawa at inakbyan ang mga ito. "Sige ba!"

"Yehoo!" sabay na ani Nathan at Jambo.

Nagbihis na ang tatlo ng mga uniforms nila. Naka-sando lang kasi sila kanina. Pagkalabas nila ng Wilson Academy ay mabilis silang nagsitakbuhan papunta sa Soo Jang Min Resto na hindi naman masyadong kalayuan sa WA.

The whole vicinity of the resto is very asian. Isang floor lang ito at halos dikit-dikit na rin ang mga upuan. Marami rin ang kumakain at sa may bandang counter ay makikita natin ang mga mapuputing steams na galing sa steamer kung saan niluluto ang mga shopao at puto. Kasalukuyang din pinapatugtog sa buong resto ang kantang "Porque" by Maldita.

Binigyan ni Kid ng pera si Jambo. Masayang-masaya itong naghanap ng waiter, hindi na kasi siya makapaghintay na waiter na mismo ang lumapit sa kaniya.

May-maya pa ay dumating na ang isang dosenang mainit at umuusok pang puto at isang malaking bow ng dinuguan.

"Ang sarap nito," ani Jambo at lumamon na sila ni Nathan. Kid was just watching them at makikita natin sa mukha ni Kid na parang hinihitay niya lang ang dalawa niyang kaibigan na matapos ito sa pagkain.

"Oh? Kain na?" ani Nathan, 19 year's old, parang kuya niya na.

"Sige lang, kain lang kayo."

"Parang sira ito eh," ani Nathan. At noong nakita niya si Kid na hindi pa rin dumadampot ng puto ay siya na mismo ang kumuha ng puto para isubo kay Kid...

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now