C H A P T E R 36

1K 33 7
                                    

Sunflower Dies
(This is a Special Chapter)

A N G R Y

"Goodbye Class! Enjoy your weekend!" Teacher Milan, adviser of Grade 2-Augustine, bid her usual friday goodbye on her students. There's a smile painted on her face. Her eyes were so fortuitous that it goes nicely the beam of her lips.

"Goodbye and thank you, Teacher Milan!" sabay na sigaw ng mga estudyante nito. Magiliw ang lahat maliban na lang kay Angry.

While everyone was almost jumping while they are on their way out, Angry just waited them all to go out first with her casual pout. At noong nakalabas na nga siya ay tumatakbo siya'r nagpunta sa school garden ng WA. Nasa likod iyon ng classrooms ng mga grade five students. Doon, gumala siya saglit. Angry enjoyed the school garden so much that it caused her to giggle a lot while she was there.

May kung anu-anong tanim doon sa school garden iyon. May mga vegetables at mayroon ding mga flowers. At noong nasa may flower area na nga si Angry ay binasa niya mga description ng bulaklak na naroon.

SARI SARING MGA BULAKLAK (Isinulat ni JoeyJ.)

Anthurium - para sa mga salita mong tumusok sa puso ko na parang karayom.

Aster - para sa mga pagkakataong kasama kita at naging masaya ako na sa sobrang tuwa ay parang natae ako sa aking duster.

Bengal - para sa relasyon nating hindi nagtagal.

Blue Plumbago - para sa sandaling ikaw ay naghanap ng bago.

Bougainvillea - para pagsasama nating mas mapait pa kaysa a paelya.

Bromeliads - para sa mga kirot na binigay mo sa'kin na naging dahilan upang ako ay napapaliyad.

Canna Lily - para sa mismong araw na sa ibang babae, ikaw ay nawili.

Chalice Vine - para sa peke ngunit matatamis mong salita na parang wine.

Chrysanthemum - para sa mga titig mong kasing lagkit ng natutunaw na magnum.

Crown of Thorns - para sa babaeng pinalit mo sa akin na mayroong horns.

Dama de Noche - para sa relasyon nating nagkanda leche-leche.

Desert Rose - para sa mga panahong naiiyak ako dahil sa'yo at para mawala ang sakit ay uminum ako ng red horse.

Everlasting - walang ganun. Gagu.

Firecracker Plant - para sa babae mong alam kong nag-undergo ng kung anu-anong transplant.

Garlic Vine - para sa mga panahong nag-text ako ng mahaba at ni-reply-yan mo lang ako ng K. Fine.

Gladioli - pinaglaban kita hanggang huli pero anyare?

Golden Arrow - para sa mga pangako mong natunaw na lang na parang pinainitang marshmallow.

Gumamela - para sa mga panahong ako ay iyong ipinagkaila.

Heliconia - hinihiling kong maging masaya ka sa kanya.

Hibiscus - bayaran mo naman ako kahit kalahati lang ng aking nagastos.

Indonesian Jasmine - noong tinanong kita kung niloloko mo ba ako at hindi ka man lang nahiya na umamin.

Ixora - para sa babaeng sa relasyon natin ay umextra.

Lantana - wala na.

Madagascar Periwinkle - para sa pagmamahalan nating parang jungle at kung sinu-sino na lang ang naki-mingle.

Mansoa Alliacea - para sa "George" sa contacts mo na naging alyas mo sa kanya kahit ang pangalan niya naman talaga ay Patricia.

Morning Glory Bush - oo inaamin kong ako ang unang nagka-crush, pero gosh, 'yong pagmamahal ko ay naging isang malaking trash.

Orchid Peacock - delikado ang ryhme nito. Huwag na lang at baka may ma-shock.

Purple Wreath - para sa'yo na tiniis kong halikan kahit ikaw ay bad breath.

Rangoon Creeper - para sa tatlong buwan na sa cellphone ko ay picture mo ang ginawa kong wallpaper.

Sampaguita - para sa panahong iniwan mo akong mag-isa.

Santan - aminado akong ako ay nasaktan

Thryallis - sa iyong pag-alis.

Vinca Spreads - walang meds na magpapagalit sakit na dinuot mo.

Waling-Waling - Minahal kita ng buo pero nagawa mo pa ring magsinungaling. Ang galing-galing.

Water Hyacinth - Oo, maaalala ko ang mga bagay-bagay patungkol sa'yo lalong-lalo na ang pabango mong paper mint.

Water Lily - at alam kong sa pag-alala sa'yo ako ay mawiwili.

Ylang-Ylang - perong sige lang, alam ko rin namang makakamutan lang din naman kita kaya tiis-tiis lang.

Lumabas si Angry na tulala. Hindi niya keri ang tula.

Sa paglabas niya ay dala-dala niya ang isang sunflower.

Ibibigay niya iyon kay Kid kahit wala naman talagang forever.

Hinanap niya si Kid.

Tumakbo siya kahit minsan, mga bato sa daan ay napapatid.

Sa may gym, nakita niya si Kid na kasama si Jambo at Nathan.

Nakangiti si Kid at may hawak na santan.

Naiyak si Angry lalo na nang marinig siya si Kid na sinabi ang mga katagang, "Sa bulaklak na ito, mayroon akong pagbibigyan."

Uamlis siya.

At aminado siyang nasaktan siya.

Ngunit sa pagtalikod niya ay may tumawag sa kanya at sa pagglingon nga niya ay napasihap siya.

Si Kid, nasa harap niya at nakangiting iniaabot sa kanya ang santan na malapit ng malanta.

*  *  *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin