C H A P T E R 10

1.4K 53 15
                                    

Halimuyak

M R. L E E

"AHHH!"

Halos mabato ni Mr. Lee ang laptop niya nang marinig niya ang pagsigaw ng ang anak niyang si Kid sa kuwarto nito sa second floor. Busy si Mr. Lee sa pag-a-outline ng agenda para sa weekly meeting ng manager at ng department heads niya nang marinig niya ang sigaw na iyon ni Kid. Nasa first floor siya specifically sa salas kaya mabilis siyang pumanhik doon sa second floor at nang buksan ang kuwarto ng anak ay nakita niya ang ngumangawang umiiyak si Kid na tinuturo ang isang ipis sa tiles ng kuwarto.

"WHAT THE!" Halos mapamura si Mr. Lee. Sa buong buong buhay niya ay first time niyang nakakita ng totoong ipis. Kaya ngayon, hindi niya rin alam kung paanong tutulungan si Kid gayong sobrang lapit lang nito sa ipis na anytime ay gagalaw o lilipad ulit.

"MANANG!!!" Lumabas ang ugat ni Mr. Lee nang isinigaw iyon.

Maya-maya pay mabilis at uuugod-ugod na dumating si Nanny Lambing.

"Bakit Peter?" ani ng matanda.

Maya-maya pa ay kagaya ni Kid ay ngumawa si Si Mr. Lee.

"May ipis! Nguwawawawa!" pag-iyak ni Mr. Lee na parang bata. Jusko.

K I D A L L E N T O N

"Dad! Nguwawawa!" Ngumangawa at umiiyak na tumakbo si Kid palapit sa Dad niya. Wala siyang ibang suot maliban sa boxers shorts nang i-hug niya ang Daddy Peter niya na katulad niya ay umiiyak din.

Na-trauma talaga siya nang makita niya ang ipis na 'yon na palipad-lipad lang sa kuwarto niya. Kagaya ng Dad niya ay first time niya rin makakita ng ipis.

"Daddy...." Nakayap pa rin si Kid sa Dad niyang si Mr. Lee. Hindi pa rin siya natitigil sa pag-iyak. Medyo nahimasmasan na ang Dad niya pero siya, nanginginig pa rin sa kakahagulhol.

M R. L E E

"Shhh! Hinuhuli na ni Nanny Lambing ang ipis son!" pagpapatahan ni Mr. Lee sa anak niya sabay pat sa ulo nito.

Hiyang-hiya si Mr. Lee sa sarili niya. Naiyak siya ng dahil lang sa ipis? Nakakaloka.

N A N N Y L A M B I N G

"Hayup ka! Hayup!" nakatuwad at halos magkandalaglag na ang bra ni Nanny Lambing na pinagsasapak ng tsinelas ang ipis na hindi niya mahuli-huli.

Sa 17 years niyang pagsisilbi sa pamilya ng mga Lee, first time niyang makakita ng ipis sa mansyon nito.

Sobrang istrikto kasi talaga si Mr. Lee pagdating sa sanitation at halos araw-araw nga eh halos isang daang bote ng alcohol ang ginagawang panlinis sa buong bahay.

Bukod kay Nanny Lambing, dapat naka-gloves at hairnet din ang iba pang kasambay ni Mr. Lee para siguraduhing walang germs ang mapupunta sa kahit anumang gamit sa bahay. Kay laking taka niya na lang talaga kung paanong may nakapasok na ipis dito.

"Peter, hindi ko na kaya," pagsuko ni Nanny Lambing nang biglang pumasok sa ilalim ng kama ni Kid ang ipis.

"Noool! Patayin niyo ang ipis!" sigaw naman ng alaga ni Nanny Lambing na si Kid. Wagas na wagas ang pag-iyak nito.

M R. L E E

Gustuhin man ni Mr. Lee na tumawag ng iba pang maids para patayin ang ipis eh hindi niya puwedeng gawin iyon. Isa kasi sa mga rules ni Mr. Lee ay wala ni sinuman ang dapat na pumasok sa kuwarto niya at sa kuwarto ng anak niya maliban na lang kay Nanny Lambing.

Takot kasi si Mr. Lee na baka may dalang bird flu ang mga kasambahay kaya hindi talaga siya puwedeng magtawag ng iba.

"Me? I'm going to kill the cockroach?" Halos mapaawang ang napaka-sexy na bibig ni Mr. Lee nang iabot sa kanya ng hingal na hingal na si Nanny Lambing ang tsinelas na ipinampalo nito sa ipis.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now