E P I C L O G U E

2K 48 19
                                    

MR. LEE.

"One more shot."

"Sige."

Nag-flash ang camera ni Mr. Lee.

Nag-pose muli si Thalia.

"Good. One more shot."

"Oops..." Biglang natanggal ang suot ni Thalia.

Namula si Mr. Lee.

Mukhang may bago na namang Kid na mabubuo.

*  *  *

ANGRY
3rd grading. Kakatapos lang ang exam. Nagpunta si Angry sa flower garden sa likod ng rooms ng grade 5. Magbabasa sana siya ng mga tula roon patungkol sa mga halaman kaso iba ang nakita niya.

Nakita niyang nag-aaway ang teacher niyang si Lukrecia at ang crush niyang si Kid na grade 5 student.

"Mommy shark, sige na. Gusto ko ng makita ang mga magulang mo."

"Segi na nga! Piro umayos ka ah!"

"Opo."

Biglang lumubo ang sipon sa ilong niya.

"Angry anong ginagawa mo diyan?" Si Gino. Naka-boyscout. Biglang sumulpot sa likod niya.

"Shhh!" Mabilis na pinaupo ni Anggy si Gino sa likod ng nga bulaklak kasama niya.

"Bakit?" inosenteng tanong ni Gino. May uhog na tumulo sa ilong niya.

"Tahimik ka lang ha! May aswang kasi!" ani Angry.

"Omo!" takot na sabi ni Gino.

"Good boy!" Pi-nat ni Angry si Gino sa ulo. Umagik-ik si Gino. Lumubo at pumutok ang sipon nito. Nagatawanan sila ni Angry.

*  *  *
JAMBO

"HOY KID!"

Tinawag ni Jambo si Kid. Nasa labasan sila ng WA. Nasa may bus stop naman si Kid kasama ang Mommy Shark nito.

"Kid!" Si Nathan naman ang tumawag dito.

"Let's go Mommy Shark?" ani Kid at inalalayan na si Lukrecia sa pagpasok sa bus.

"Gagu, nagka-girlfriend lang ng matanda at teacher iniwan na tayo?" ani Jambo.

"Tsk. Yaan mo na. Kapag ikaw ang nagka-girlfriend, pansinin mo pa rin ako Jam ah?"

"Yuck Nathan, ang bakla mo pakinggan."

"Mwuah!" Hinalikan ni Nathan ang libag ni Jam sa leeg.

Kinilabutan si Jam.
*  *  *

GENSAN

Nagwawalis ang nanay ni Lukrecia sa bakuran habang nanunuod na K-Drama sa cellphone nang may biglang nag-door bell sa gate. (Magko-comment ang reader kung paano napunta ang door bell sa gate)

"Bwesit! Nanunuod pa ako eh," bulong niya sa sarili niya.

"Saglit lang!" sigaw niya noong naglakad na siya papunta sa gate.

Pagbukas niya ng gate, agad niyang nakita si Lukrecua na may kasamang binatilyo, isang babaeng nasa late nasa late 40 at isang....

"MR. LEE!" Mabilis na niyakap ng nanay ni Lukrecia si Mr. Lee.

"Ahh, ma. Hendi ko na po boyfriend si Mr. Lee," pag-i-interupt ni Lukrecia.

"Ha?" Umawang ang bibig ng nanay ni Lukrecia. Nakita niyang lumapit si Thalia kay Mr. Lee at pinulupot ang mga kamay nito sa braso ni Mr. Lee.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now