C H A P T E R 15

1.2K 47 11
                                    

Tawa-tawa

HUMUPA NA ANG ULAN. It ended shortly nang saktong matapos si Mr. Lee at Lukrecia na sumayaw sa gitna ng daan. Banayad na rin ang ang daloy ng traffic. You can see people walking along the busy sidelines. Madilim na rin at naghalo-halo na rin sa buong paligid ang mga ilaw ng mga establishments, traffic light, LED screens ng buildings at iba pa.

Nasa loob na ngayon si Lukrecia kasama si Mr. Lee na nagmamaneho ngayong sa Audi. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita yet both of them are biting their lips na para bang pareho silang nagpipigil ng pagtawa at maya-maya pa nga ay una ng sumuko si Mr. Lee

"Pfft. Hahaha." The way he laugh is so gentle. Kahit na naka-upo ay pakiramdam ni Lukrecia ay dinuduyan siya ng pagtawang iyon ni Mr. Lee.

Paano kayang may ganetong lalake? Guwapu? Matsu? Mayaman? Lukrecia wondered in her mind.

Lahat na yata kasi ng hinahanap ng isang babaeng ay kay Mr. Lee na matatagpuan. Iyon nga lang, wala pang nakakatagpo kay Mr. Lee. Minsan ng may nakatagpo riti pero iniwan naman din naman si Mr. Lee.

Gumuhit sa isipan ni Lukrecia kung bakit nagawang iwan si Mr. Lee ng dating asawa nitong Thalia. How can someone be so perfect be left like that way? Sabi nga ni Lukrecia, siya, eh naiintindihan niya ang sarili niyang iniwan siya ni Dudong. Pero Mr. Lee? Nalalabuan talagang siya kung bakit ito iniwan ni Thalia.

"Yes, Lukrecia. Bakit titig na titig ka sa akin?" Mr. Lee candidly smiled.

Isa pa 'yan. Mr. Lee candid smile could not only drop a panty but could also burn it.

"May mota ka kasi Demunyo." Tumawa si Lukrecia sa sariling pagdadahilan kahit alam niyang hindi naman talaga iyon ang rason kung bakit ganoon ang titig niya kay Mr. Lee.

Hindi sumagot si Mr. Lee. Alam naman kasi niyang wala siyang muta. Never pa dumating sa point ng life niya na nagkamuta siya. Ganun siya ka-perfect.

"Demunyo, thank you pala sa damit at pante na benili mu ha?"

"My pleasure Lukrecia."

Kanina kasi pagtapos nilang sumayaw sa ulan ay nagpunta sila sa isang mall para bumili ng mga damit kasi basang-basa talaga sila.

"Salamat din sa breif mu." Tumikhim si Lukrecia nang tanawin sa bag niya ang basang-basang breif ni Mr. Lee na kulay deep green. Kinagat ni Lukrecia ang dila niya.

"Take care of it," ani Mr. Lee.

"Uu naman. Araw-araw ko 'tong papakaenin at bebehesan."

While conquering the busy road, biglang nag-ring ang telepono ni Mr. Lee.

"Answer the call and connect it to the car speaker and microphone," utos ni Mr. Lee kay Bixby. Software bot ng kanyang telepono.

Nataranta bigla si Lukrecia, akala niya ay siya ang kinausap ni Mr. Lee.

"Answering the call and connecting it to the speaker and microphone...." sagot ni Bixby.

"Hello Peter? Peter..."

Panay ang linga ni Lukrecia sa buong sasakyan nang may marinig siyang boses ng isang matanda. Nanginginig ang boses nito at tila umiiyak.

Maya-maya pa ay nag-expand ng 1 kilometer ang eyeballs ni Lukrecia nang bigla siyang may maa-alala.

'Ang busis na 'yun! 'Yun!' ani Lukrecia at maya-maya pa ay may nag-playback sa isipan niya....

'OH PETER! SIGE PA! OHH! IDIIN MO! ISAGAD MO! OH PETER! OH MY PETER'

Biglang napanganga si Lukrecia matapos iyong maalala.

M R. L E E

"Hello Peter? Peter..." Nanginginig ang boses ni Nanny Lambing sa kabilang linya. Dumaloy sa pecs at muscles ni Mr. Lee ang libo-libong boltahe ng kaba. Sa boses pa lang ni Nanny Lambing ay alam niyang may nangyari ng masama.

"Yes Manang? What is it?" ani Mr. Lee. Seyosong nakatitig ang mga mata sa daan.

"Si Kid. Nasa ospital. Sumakit kasi ang tiyan niya."

"Bakit Manang? Anong kinain niya?"

"Hindi ako sigurado pero pagdating niya sa bahay, may dala siyang mga mushrooms."

"Mushrooms?" Kumunot ang noo ni Mr. Lee. Hindi niya mawari sa isipan kung bakit kumain ang anak niya ng mushrooms.

"Saang ospital siya manang?"

"Sa Wilsons, Peter..."

"Saint Peter?" pagsabat ni Lukrecia. "May huspetal bang ganun? Funirarya 'yun ah!" dagdag niya.

"Sige Manang. Papunta na ako riyan." Mabilis na iniliko ni Mr. Lee pabalik sa dinaan ang kaniyang Audi. Sa kung saan sila ngayon ay mga isang kilometro lang layo nila sa Wilsons.

Biglang nawala si Lukrecia sa isipan ni Mr. Lee. Nakalimutan niyang may kasama pala siya kaya noong nag-overspeed ang Audi ay halos mawakwak ang gilagid ni Lukrecia dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo ng kotse niya.

Sa buhay ni Mr. Lee ay tatlong babay lang talaga niya ang nagbibigay takot sa kaniya; ang magkasakit, magka-aksidente at makabuntis ang anak niya.

L U K R E C I A

"Demunyo..."

Mabilis na bumaba ni Lukrcia ng kotse at agad na sinundan si Mr. Lee. Hingal na hingal siya noong makating sila sa tapat ng isang kuwarto na noong hindi pa sila nakakapasok ay may doktor ng lalaking lumabas.

Si DOCTOR MATTEO GRENIER na dahil sa sobrang guwapo ay natameme si Lukrecia. {Doctor Matteo is the Male Lead of Doctor Matteo's Wanted Girlfriend by JoeyJMakathangIsip}

"How is he Matt?" tanong ni Mr. Lee. Nakita ni Lukrecia na mukhang close ang dalawa.

"Okay naman siya. He ate raw mushrooms kaya sumakit ang tiyan niya. Hindi rin siya na-food poison. Talagang kinain niya lang na hilaw iyong mushroom."

"So what should we do now?"

"Sensitive si Kid sa medicine kaya ang ginawa namin, we kept him hydrated para mailabas iyong mushroom na kinain niya. Yet, I recommend you to look for a herbal plant called Tawa-Tawa since hindi natin puwedeng painumin si Kid ng mga gamot."

M R. L E E

Imagine a billionaire na biglang na-bankrupt. Ganyan ang pakiramdam ni Mr. Lee ngayon. Hindi niya kasi alam kung saan hahanapin ang herbal plant na iyon. See? Hindi lahat naso-solve ng pera. Minsan, TAWA-TAWA lang talaga ang kailangan para maging masaya.

Hindi pa pumapasok si Mr. Lee sa loob ng kuwarto kung saan naroon si Kid. Ayaw niyang harapin ang natutulog niyang anak hangga't hindi siya nakakahanap ng tawa-tawa.

Simula pa kasi noong bata si Kid ay sensitive na talaga ito sa pag-inum ng kung anu-anong gamot. Sinusuka lang kasi nito ang gamot na iniinum tuwing nagkakasakit.

Nakapag-send na ng 600 e-mails si Mr. Lee sa telepono niya gamit ang multiple electronic mail sender niya para sa mga empleyado niya. In the e-mail he stated:

ANYONE WHO CAN BRING ME A "TAWA-TAWA" RIGHT AT THIS MOMENT WILL RECEIVE 50,000 PESOS. ANYONE WHO WILL JOKE ABOT THIS WILL BE IMMIDIATELY FIRED.

Below, the address of the hospital on where I am right now is attached.

FR: CEO, URGENT REQUEST

"Mr. Lee, may sasabehin ako sa'yu..." ani Lukrecia na nakaupo lang katabi ni Mr. Lee rito sa labas ng kuwarto ni Kid.

"What is it Lukrecia?"

"May tawa-tawa akung tanim sa bahay ku."

Biglang tumigil ang rotation ng mundo ni Mr. Lee. Pakiramdam niya'y biglang naging anghel si Lukrecia sa harapan niya.


* * *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now