C H A P T E R 36.5

1K 32 2
                                    

Seashore

A N G R Y
Lumingon si Angry. Nakita niya si Kid. Nakangiti ito sa kanya at iniaabot nito sa kanya ang malapit ng malanta na santan.

Dumausdos sa pisngi ni Angry ang masasaganang mga luha nang makita ang lakaking iyon. Si Kid.

Behind that guy, the sun was setting down on the horizon. Kita niya ang ngiti ni Kid. She had never seen that smile on Kid before. Ngayon niya lang nakita ang mga ngiting iyon ni Kid.

"Tanggapin mo na, magagalit ako, sige ka," Kid told her at wala naman siyang nagawa kundi tanggapin ang santan nitong iniaabot sa kanya.

"Angry, naiintindihan kita, ramdam kita. Kahit ako, may crush din na mas matanda pa sa'kin e. Wala namang maling magka-crush lalo kung gusto mo siyang maging inspiration mo. But if your intention is more than that, naku! May mali na roon." Tumawa si Kid sa harap niya. Nagkamot din ito ng batok. Naging pormang "n" ang singkit nito mga mata.

"Bakit oppa?" Humugot siya ng hininga. "Sa tingin mo ba may malalim na intensyon pa ako maliban pa sa pagka-crush sa'yo? Sa tingin mo may intensyon akong ipagpatuloy pa 'tong nararamdaman ko? Oo, 7 year's old pa lang ako pero...." humagulgol si Angry sa harap ni Kid. Hindi siya nahihiyang ipakita ang nagkayupi-yupi niyang mukha dahil sa pag-iyak niya.

"PERO GUSTO TALAGA KITA OPPA! AT NASASAKTAN AKO KASI ALAM KONG MAY IBA KANG GUSTO! NASASAKTAN AKO KASI 10 YEARS 'YUNG GAP NATIN! NASASAKTAN AKO NA HANGGANG DUN LANG 'YUNG DAPAT KUNG MARAMDAM KASI SEVEN YEARS OLD LANG AKO AT SEVENTEEN KA NA! OPPA! ANG SAKIT! SAKIT! SOBRANG SAKIT!"

Rinig na rinig sa buong quadrangle ang paghikbi ni Angry. Ngiwing-ngiwi ang mukha niya ngayon habang naghahalo ang luha at uhog sa mukha niya na ngayon ay papunta na sa bibig niya.

She runs. Mabilis na mabilis ang pagtakbo niya palabas WA. Tinapon niya ang santan na ibinigay ni Kid at maya-maya pa ipinagpatuloy niya ang kaniyang nararamdaman sa isang waiting shed.

Umupo si Angry roon. Humahangos siya habang nakatingin sa daan. May umbok sa kaniyang lalaluman. Masakit ang puso. Hindi makahinga ng maayos. Lumuluha pa rin.

"Okay ka lang?" Si Gino. 3 years old. Chubby. Pumuputok ang pisngi. Naka-suot ng boy scout uniform. Madumi ang kwelyo. May stains nh ice cream sa bibig na humahalo sa sipon na mula sa ilong. Nagtataka kung bakit umiiyak ang isang seven year old na babae sa gilid niya rito sa isang waiting shed.

"OH! ANONG TINI-TINGIN MO RIYAN HA? MAY CRUSH KA SA'KIN! HUH! ILANG TAON KA NA?" umiiyak na ani Angry kay Gino.

"Three year's old," walang kamuwang-muwang na sabi ni Gino habang ipinapakita kay Angry ang apat niyang daliri para sa three year's old niyang edad.

"FOUR 'YAN!" Lumapit si Angry kay Gino at ibinaba niya ang isang daliri nito para maging-three.

"Wow! Ang galing naman! Pa'no mo nalaman 'yun?" Namangha si Gino. Lumubo ang sipon niya. Pumutok ito sa mukha ni Angry.

"Huwag ka munang magka-crush sa'kin ha, kasi bata ka pa! Masasaktan ka lang!" sabi ni Angry kay Gino habag dinidilaan sa mukha niya ang mga tumalsik na sipon ni Gino.

Inipon ni Angry ang sipon ni Gino sa bibig niya at maya-maya pa ay ginawa itong bubble gum. Pinaputok niya rin ito.

"O siya pa'no? Alis na ako ha! Huwag kang magka-crush sa'kin!"

May dumating ng bus. Pumasok na si Angry doon. Naiwan si Gino. Nakangiti niyang kinawayan si Angry nang makitang paalis na ito.

Habang nakaupo sa tumatakbong bus na iyon, napatingin si Angry sa may labas kung saan makikita ang paglubog ng araw.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now