C H A P T E R 31

1K 44 5
                                    

Meeting Her

M R. L E E

Mr. Lee's currently sitting at the edge of his California King size bed. He's holding a picture frame right now and he's looking into it in a very sad way. His lips and his eyes, they are all drowned in a deep form of sadness.

The picture on the frame was shot ten years ago. It was his first family picture with his ex wife Thalia and his son Kid Allenton. Thalia was smiling while carrying their seven year old son. She's also wearing a white dress and next to her was Mr. Lee who's also widely smiling.

"Peter, umuwi na si Kid. Nasa sa baba siya."

Natigilan si Mr. Lee nang marinig ang boses ni Nanny Lambing na bahagyang pumasok sa pintuan ng kuwarto niya.

"Kindly tell him Manang to wait there. Kakausapin ko siya."

"Sige, Peter."

Isinara na ni Nanny Lambing ang pintuan. Naiwang nakaupo si Mr. Lee sa kuwarto niya. Muli siyang bumuga ng malalim na hininga at maya-maya pa ay tumayo na siya. Naglakad siya papunta sa isang table sa may sulok ng kuwarto niya at inilagay niya roon ang picture frame na kinuha niya kanina.

Bago niya nilisan ang kuwarto, muli siyang napatingin si picture frame. Saglit niyang ipinikit ang mga pagod niyang mga mata at pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng kuwarto niya.

K I D A L L E N T O N

Nakatayo si Kid ngayon sa may foyer ng mansyon nila. Nasa tapat siya ng glass wall kung saan kita niya ang malawak na man-made fountain sa malawak nilang bakuran.

Umaambon sa labas. Makulimlim ang kalangitan at medyo madilim rin ang paligid.

Maya-maya pa ay narinig niya ang mga yabag ng sapatos sa hagdanan sa kaliwang parte ng mansyon. Sa mabigat na mga hakbang na iyon ay alam niya na kung sino ang kasalukuyang bumababa roon. It was his Dad.

"I'm glad you came back son..."

Naikuyom bigla ni Kid ang kanang kamao niya. He didn't expect that. Ang akala niya ay bubugbugin siya ng Dad niya ng maraming salita pero nagkamali siya.

Huminga lang si Kid ng malalim. Nasa likod lang niya ang Dad niya at ayaw niya itong lingunin. Kahit alam niyang sobrang nag-alala ito sa kanya ay hindi niya pa rin magawang tanggalin ang galit niya sa Dad niya. Up until now, hindi niya pa rin tanggap na mayroon ng bagong dini-date ang Dad niya.

"I know that you are angry with me Kid. I know that you are angry that I'm dating a new woman."

"You're always dating different woman every single f*cking day Dad," Kid said.

"Son listen," Mr. Lee paused for a while. "This woman that I'm currently dating right now is different. Mahal ko siya Kid."

Napapikit ng mga mata si Kid sa sinabi ng Dad niya. Nag-igting din ang mga panga niya.

"And if you're thinking about me replacing your mom, then my answer is no. You're mom will always be your mom. Hindi ko siya puwedeng palitan kahit kailan. She will always be your mom."

Kumibot ang mga labi ni Kid. Unti-unting nawala ang pag-igting ng kanyang mga panga at pati na rin ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao.

"All I want is a new beginning Kid. Ilang taong na ba tayong umaasa na darating ang Mom mo? It's already more than ten years! And look, dahil sa kaasa natin sa kanya sa pagbalik niya e nagiging unproductive na tayo. Look at you, palagi ka na lang bumabagsak sa mga subjects mo at hindi ka na rin nagiging open sa'kin. And also look at me, palagi na lang akong galit, palagi na lang kitang napapagilitan. All I want is a new beginning Kid."

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz