C H A P T E R 22

1.1K 42 9
                                    

Why are you so?

"SO AGAIN class, the yearly family day is coming. Next week na. Alam kong busy ang mga parents ninyo kaya pinapaalalahanan ko na kayo ngayon pa lang na kausapin niyo na ang mga parents ninyo na maglaan ng time para sa darating na family day. Okay?"

"YES MA'AM!"

Nagsimula nang magsitayuan ang mga kaklase ni Kid. Dahil siya ang pinakamatangkad sa mga kaklase niya at ayaw niya namang makipagkumupulan doon sa may pintuan ay hinintay niya na lang na makalabas ang mga ito.

He's still sitting in his arm chair, nagdo-drawing ng mukha ni Lukrecia sa likod ng notebook at ang mga tainga ay nakalaan lang sa mga kaklase niyang papalabas na ng classroom na excited ng pinag-uusapan ang darating na family day sa susunod na biyernes. Hindi niya alam kung sasabihin niya sa Dad niya ang patungkol dito. 'Yung Dad niyang si Mr. Lee? Jusko! Kung hindi male-late ay body guard at secretary lang nito ang papapuntahin kagaya na lang ng mga nangyari sa previous family days na dinaluhan ni Kid.

"My Mom is coming bro. How about your Mom?"

"Yeah! She's coming. Kahit isang beses, hindi pa niya na-miss ang mga important events kagaya ng family day ng Wilson Academy."

Biglang naidiin ni Kid ang lapis sa pahinang ginuguhitan niya. Lumusot sa nguso ng drawing version ni Lukrecia ang dulo ng lapis ni Kid. The conversation he had heard from his two classmates made him really angry.

"This school is so bully," he murmured angrily. "They have that policy for anti-bully pero sila mismo ang nangbu-bully sa mga estadyunte nila. I don't like this school. They're so insensitive with their students na walang nanay."

"Yes Mr. Kid Allenton?"

"M-ma'am Lily!" Gulantang na napatayo si Kid. Kinabahan siya bigla nang makita niyang nasa harapan niya na si Ms. Lily. A very sexy 27 year old teacher/adviser ng classroom nila.

"Hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo pero I guess you're murmuring about---"

"The family day Ma'am!" Tumaas ang boses ni Kid.

"Oh, talaga?"

"Yes Ma'am!"

"Hmm. So anong plans mo Mr. Kid Allenton? Sasabihin mo na ba sa Dad mo na this year ay kailangan niya na talagang pumunta?"

"I--, I-- don't think so Ma'am."

And the room went silent. Nakalabas na ang mga kaklase ni Kid ng classroom and it is quite a torture for him to be confronted by his teacher lalo pa't patungkol iyon sa darating na family day. Hindi man sinasabi ni Kid pero sensitive siya pagdating sa mga topic na kagaya ng family. As much as he wanted, ayaw niya ng topic na iyon. He hates it. Simply because he thinks that the family he have right now is no longer a family.

Nakita ni Miss Lily na parang nagpipigil ng emosyon ang estdyunate niyang si Kid. And actually, she was recently informed by the former advisers of Kid Allenton na sa mga nakaraang family days ay wala ni isa a Dad at Mom nito ang um-attend.

Gusto pa sanang tanungin ni Miss Lily si Kid kaso nakita niyang parang nahihirapan na ito kaya ang ginawa niya ay ni-light up niya na lang ang pag-uusap nilang dalawa ng estudyante niya. "Okay. Wala namang problema iyon. I heared that you're Dad is a CEO kaya malamang busy iyon. Pero mas maigi pa ring sabihan mo siya nang malaman niya naman. And if you don't have any representatives with you na sasama sa'yo sa family day then nandito naman kaming mga teachers mo. Treat us as your family. Okay?"

Kid nodded with a genuine smile as his teacher Miss Lily left him. Noong nawala na si Miss Lily at siya na lang ang naiwan ay mabilis na siyang lumabas ng classroom. Pagkalabas niya ay kamuntikan na siyang atakihin sa puso nang makita niyang naghihintay roon si Angry na galit na galit ang paningin sa kanya.

"I HATE YOU OPPA! I HATE YOU!"

The 7 year old Angry stormed out infront of Kid. Umiiyak ang batang babae na grabe ang pagpapaganda noong natapos ang klase niya. She cried so hard matapos niyang talikuran si Kid. Mabilis na gumasgas sa pathway ang gulong ng hila-hila niyang bag nang tumakbo siya palayo kay Kid.

She's wearinv her favorite headband, bumili rin siya ng pulang lollipop para maging pula ang lips, ang cheeks at eye-shadow niya. Ginawa niya iyon bago mag-ring ang bell na cue para maglabasan na. Gusto niyang maganda siya sa harapan ng kakalabas pa lang sa ospital na si Kid. Pero noong nakita niya sk Kid noong nagpunta siya sa room niyto ay parang gumuho ang mundo niya.

Momentarily Flashback: "Okay. Wala namang problema iyon. I heared that you're Dad is a CEO kaya malamang busy iyon. Pero mas maigi pa ring sabihan mo siya nang malaman niya naman. And if you don't have any representative s with you na sasama sa'yo sa family day then, nandito naman kaming mga teachers mo. Treat us as your family. Okay."

"I hate you Oppa! Hindi mo man lang sinabing gusto mo na palang mag-build ng family! Tapos sa teacher pa talaga! I'm sorry if I'm still 7 years old. Akala ko, kaya mo akong hintayin..." humahagulhol na ani Angry nang makarating siya sa labasan ng WA. Lumingon siya sa pinanggalingan. Mas lalo siyang napahagulhol. Nakita niya kasing tumatawa-tawa lang si Kid habang kasama si Nathan at Jambo papunta sa gym. Ni-hindi man lang siya hinabol ng oppa niya.

L U K R E C I A

"WHAT the hell are you trying to do Lukrecia, huh? Are you a 7 year old kid na kapag sumakay ng bus ay hindi man lang aalamin kung saan papunta ang sinasakyan? For Pete's sake, you're already 27 year's old! Why are you so careless? Hindi ka ba nag-iisip? Hindi mo man lang ba naisip na bukod sa pwede kang patayin ng kung sinuman ang makakita sa'yo ay puwede ring tangayin 'yang pera mo? Tell me? Are you even thinking!?"

It's already 5:27 PM right now here in Metro Gensan. Parehong nasa tapat ng isang bakeshop si Mr. Lee at si Lukrecia ngayon. Lukrecia's sobbing right now. Nakayuko siya sa harap ni Mr. Lee na binubungangaan siya dahil sa katangahan na ginawa niya.

Bukod kasi sa hindi niya inalam kung saan patungo ang bus na sinakyan niya ay dala-dala rin niya ang isang bayong na may lamang limpak-limpak na pera na nagkakahalaga ng 45,000 pesos puro tig-be-bente pesos.

"Answer me! Are you even thinking!?" sigaw ni Mr. Lee, nangugat bigla ang leeg at noo nito.

"Sino ba 'yang mga 'yan?" takang ani ng mga taong nakakakita sa kanila.

"Segi na. Aku na ang tanga," pagpapa-raya ni Lukrecia. Tumatakas pa rin ang mga luha niya. May bato pa rin sa lalamunan niya. Nagsisisi siya sa ginawa niyang paghingi ng saklolo kay Mr. Lee. Kung ganito rin lang naman ang mapapala niya ay sana hindi niya na lang pala tinawagan si Mr. Lee.

Noong kasing nalaman niyang papunta pala sa Tawi-Tawi ay sinasakyan niya ay mabilis siyang bumaba ng bus, kinuha ang sim ng telepono niyang wasak, humiram ng cellphone sa isang babaeng nagbabasura at tinawagan ulit si Mr. Lee.

At iyon nga, concerned Mr. Lee immediately run near to her, at nagkita nga sila rito sa Metro Gensan matapos ang mahigit tatlong oras.

"It's not just you are not thinking Lukrecia, you also wasted my time! Alam mo ba kung gaano kahalaga ang oras ko? I'm CEO of a certain company! Each of my seconds pours like a gold. Mas mahalaga pa ang segundo ko kaysa sa pagsagip sa'yo!"

Natigilan si Lukrecia sa sinabi ni Mr. Lee. Natulala siya. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang ibang side nito. She never expected it like the way she never expected na lolokohin siya ni Dudong.

Suddenly, she trembles. Lukrecia has a great fear of being shouted infront of the public. Nagsimula iyon noong grade one siya nang sinigawan siya ng teacher niya na isa raw siyang malaking bobo dahil hindi nito ma-pronounce ng maayos ang mga salitang binabasa.

"Lukrecia?" Biglang kinabahan si Mr. Lee nang lumipas ang ilang saglit ay hindi pa rin tumigil ang panginginig ng mga kamay ni Lukrecia. Blanko na rin ang mga titig nito sa kanya at maya-maya pa'y hindi lang mga kamay nito ang nanginig kundi pati na rin ang mga balikat at pati na ang mukha.

Lukrecia's face is eccentrically and rapidly bouncing in a repetive movement. Putlang-putla na rin ito.

"Lukrecia!" sigaw ni Mr. Lee matapos niya itong saluhin nang mawalan ito ng balanse.

* * *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now