C H A P T E R 24

1.1K 43 14
                                    

Magmahal Ulit

L U K R E C I A

"Mr. Lay..." Hingal na hingal si Lukrecia matapos niyang hilain si Mr. Lee palabas ng bahay nila. Nandito sila ngayon sa may gilid na parte ng bungalow house. Nakatayo sila sa gilid ng isang poso. May bakod naman ang bahay nila Lukrecia kaya hindi sila makikita ng mga kapitbahay. Iyon nga lang, medyo madilim nga lang ang paligid ng kinatatayuan nila ngayon. Salamat na lang at medyo malinawanag ang buwan at kita pa rin ni Lukrecia ang napaka-among mukha ni Mr. Lee.

     "Why?" Siyempre naitanong iyon ni Mr. Lee. Bigla na lang kasi siyang hinila ni Lukring noong enjoy na enjoy ang nanay nitong hinahagis ang mga pera sa ere.

     "Kapag dumateng ang tatay ku, 'wag na 'wag mung sasabihing may-are ka ng kumpanya."

     "And why?" matipid na sagot ni Mr. Lee.

     "Kasi---" hindi na nasagot ni Lukrecia ang karagdagang tanong ni Mr. Lee nang may biglang kumalabog sa gate na yari sa kawayan.

     "Lukrando, aria atong anak si Lukrecia. May dala nga kuwartahan." (Felipe, nandito ang anak nating si Lukrecia. May kasamang lalaki na mayaman).

Hindi pa nasasalubong ni Lukrecia ang tatay niya na mukhang lasing ay sinalubong na ito ng Nanay niya si Felicia. At dahil nalaman na natin ang parehong pangalan ng mga magulang ni Lukrecia ay mahihinuha na natin kung saan nanggaling ang pangalan niya. Lukrando + Felicia. At siyempre, bilang audience ng kuwentong ito ay sabay-sabay dapat tayong mapapasabi ng... "AHH! GANUN PALA."

"Diyan ka lang!" ani Lukrecia kay Mr. Lee at agad namang nagpunta si Lukrecia sa may gate.

Nanatiling nakatayo si Mr. Lee roon. Nainis siya bigla kay Lulrecia. First time na may nag-utos sa kaniya ng ganun-ganun lang. Masakit iyon sa pride niya.

"Mama, anu bang senasabi mung mayaman. Albularyu si Mr. Lay. Kaya lang ganun siya magsuot kasi nagtetenda siya ng hirbal products!"

"Sh*t Lukrecia, what are you saying?" bulong ni Mr. Lee habang nagtatago rito sa gilid ng bahay. Rinig niya ang lahat.

"Diyos ko! Tan-awa ra gud atong anak Lukrando, grabe na ka ka hawud mag-tagalog!" (Diyos ko! Tignan mo itong anak natin Lukrando, sobrang galing na magtagalog) Rinig ni Mr. Lee na sabi ng nanay ni Lukrecia. Hindi masyadong na-gets ni Mr. Lee ang sinabi ng nanay nito pero parang sa pagkakaintindi niya ay sinabi ng nanay nito na napakagaling ng magtagalog ni Lukrecia. At infairness, nawala saglit ang inis ni Mr. Lee roon. Cute na napangiti si Mr. Lee. Lumabas saglit ang dimple niya.

"Albularyo? Nganong albularyo man ang imong gi-bana? 'Di ba ana ko mag-bana ka ug hapon?" (Albularyo? Bakit albolaryo 'yung pinangasawa mo? Hindi ba sabi ko sa'yo hapon ang papangasawin mo?)

"Piro pa, hendi ko man siya asawa!"

At hindi na naintindihan ni Mr. Lee ang mga sumunod pang sinabi ni Lukrecia. Basta't ang sunod niya na lang na nakita ay umiiyak na si Lukrecia sa harapan ng mga magulang nito. Dahil parang na-konsensya naman si Mr. Lee ay lumabas na siya sa pinagtataguan niya at hinarap niya na ang mga magulang ni Lukrecia.

"Oh eto ba ang asawa mo?" ani ng tatay ni Lukrecia sabay turo kay Mr. Lee. Gigil na gigil naman ang nanay ni Lukrecia nang makita ito. Natigilan naman si Lukrecia sa biglaang pagdating ni Mr. Lee at noong nilingon niya ito ay natulala siya ng bigla itong nagsalita.

"No Sir. I'm Lukrecia's husband. Boyfriend niya pa lang," ani Mr. Lee at kamuntikan nang ma-out of balance si Lukrecia sa sinabi nito. Nakaawang lang bibig niya at hindi niya alam kung paano niya isisilid sa utak niya ang sinabi ng makisig na CEO sa harap niya.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon