C H A P T E R 8

1.6K 58 8
                                    

The Offer

"HANGGANG diyan lang talaga 'yong kuha ng CCTV boss eh," sabi ng staff ng bus terminal kay Mr. Lee na kasama ngayon si Jerms---ang head ng promotions ng team niya.

Mula sa pagtingin sa mga monitors ay naipikit ni Mr. Lee ang mga mata niya. Pakiramdam niya ay nawalan na naman siya ng pag-asang makita si Lukrecia.

Mahigit isang oras na niyang hinahanap si Lukrecia at sa bus terminal nga siyang ito huling napadpad.

Patungong Gensan ang sinakyan ni Lukrecia na bus. Mula rito sa Manila ay sasakay ang bus na iyon ng barko at dalawang araw na maglalayag papunta sa Gensan.

Lagpas na rin ng isang buwan ang ginugol nila para mahanap si Lukrecia kaya't hindi puwedeng hindi nila makita si Lukrecia ngayong araw na ito. Malaking epekto sa company kundi pa rin sila makakahanap ng model ng sa packaging ng c0ndom product nila.

J E R M S

"Pa'no 'yan sir? Hahanap na lang ba tayo ng ibang model? Masyado ng malaki ang perang nailabas natin sa pagse-search kay Miss Lukrecia," Jerms suggested na nasa tabi ni Mr. Lee.

He has a great point lalo pa't expertise nito ang promotions. General rule palagi na kapag ang isang bagay ay hindi nagpapasok ng pera sa kompanya ay kino-consider na iyong 'LOSS'. At ang paghahanap nila kay Lukrecia ng mahigit isang buwan na ay hindi na maganda sa kompanya.

M R. L E E

"Jerms mauna ka na. Thank you for the time, I'm gonna treat this as your over time." Hindi na sinagot ni Mr. Lee ang punto ni Jerms na maghahanap na lang sila ng ibang model, bagkus ay pinapauwi niya na lang ito't lalo pa't alam niyang kakaanak lang asawa ni Jerms.

"Salamat Sir." Yumuko na si Jerms at lumabas na sa CCTV office ng bus terminal.

Naiwan si Mr. Lee at ang staff ng bus terminal sa loob ng opisina. Pareho silang nakaharap sa mga monitors na nakadikit sa pader.

"Take this," ani Mr. Lee at nag-abot siya ng 1,000 pesos sa staff.

"Sir, bawal po kaming tumanggap niyan. Government employee po kami," masayang pagtanggi ng lalaking staff.

Natulala si Mr. Lee, "Ganun ba? Halos labing limang minuto kitang kinulit sa pagpi-play back ng CCTV. I should pay your effort."

"Sir, nabayaran niyo na po 'yong effort ko. Iyong tax po ng company niyo ang nagpapa-suweldo sa mga katulad naming government employee."

Disappointed na itiniklop ni Mr. Lee ang one thousand peso bill. Hindi dahil hindi tinanggap ng staff na ito ang pera kundi sumagi sa isip niya ang isang masaklap na reyalidad.

The person like this guy stuff infront him just showed a pure loyalty on his job. Samantalang iyong mga kakilala ni Mr. Lee na may mataas na posisyon sa gobyerno ay halos harap-harapang magnakaw sa kaban ng bayan.

Kung bakit may mga kakilala si Mr. Lee ng mga senators, congressman o department secretary, simply lang naman: In building a business you need to have 3 kinds of friends---1.) Smart lawyers. 2.) Smart accountants. 3.) Smart Politicians.

Smart Lawyers na magbibigay sa'yo ng mga legal informations sa iyong business. Smart accountants para sa maayos na documentation process ng financial statements ng iyong business at smart politicians na maayos na magpapatakbo ng lugar kung saan nakatirik ang iyong business. Kahit pa gaano ka-ayos ang business mo kung may saltik naman sa utak ang politician na malaking bahagi sa pagpapanatili ng iyong business ay wala ka ring mapapala. A politician has the capacity to turn your business down.

Kaya nga during elections, milyones ang pumapasok na donations sa bank accounts ng mga tumatakbang kandidato. Milyones na nanggaling sa mga malalaking negosyante na takot na maisara ang negosyo nila. It's not fair yet it's reality. At hindi alam ni Mr. Lee kung kailan matatapos ang ganoong pamamalakad.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now