C H A P T E R 9

1.5K 55 7
                                    

Tears Tell Stories

L U K R E C I A

"MISS KAMULAG! MISS KAMULAG! STOP!" Kasalukuyang hinahabol si Lukrecia ni Mr. Lee ngayon sa may sidelines.

Saksi ang mga road signs, ang kulay berdeng ilaw ng traffic light sa may kanto, ang mga sasakyang dumaadan sa kalsada, ang mga matatayog na buildings sa bawat gilid at pati na rin ang maliwanag na crescent moon sa kung paano kabilis na maglakad si Lukrecia nang sagayon ay hindi siya mahabol ni Mr. Lee.

Habang mabilis na naglalakad ay nakayuko lang siya---pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang na namang tumakas sa kanyang nga mata. Everything pains her right now. Lahat na yata ng taong madaanan niya ay parang si Dudong na lang ang nakikita niya. She don't like it pero hindi niya iyon mapigilan. Kahit anong gawin niyang panloloko sa sarili ay talagang bumabalik si Dudong sa isipan niya.

"MISS LUKRECIA!" sigaw ni Mr. Lee na hinahabol pa rin siya. Actually wala naman siyang naging problema sa dinner na nangyari kanina. Masaya nga siya eh. Nabusog siya. Iyon nga lang, kapag tinititigan talaga ni Lukrecia si Mr. Lee ay mukha ni Dudong ang nakikita nito. Hindi dahil sa hindi niya naintindihan ang offer ni Mr. Lee kanina kaya siya nagwalk out kanina, ngunit ang totoong dahilan kung bakit siya biglang umalis ay talagang naalala lamg ni Lukrecia si Dudong kay Mr. Lee. At masakit iyon para sa kanya.

"Dudong..." humagulhol siya habang mabilis na naglalakad.

M R. L E E

"Misss Lukrecia, why are you running away?" Finally, nahabol na rin sa wakas ni Mr. Lee si Lukrecia. Gulat na gulat siya kanina noong bigla itong lumabas ng restaurant. Iniisip ni Mr. Lee na baka na-offend niya si Lukrecia kaya mabilis niya itong hinabol para tanungin.

"What the!" Halos mapamura si Mr. Lee sa ere. Nang harapin niya kasi si Lukrecia ay nakita niyang nakayuko ito at humahagulhol ng mapait na mapait.

Kinabahan siya. Aminado si Mr. Lee na marami na siyang babaeng naikama pero wala pa ni isa sa mga babaeng iyon ang umiiyak kapag natatapos sila. Iyon ngang iba eh humahalakhak pa kapag lumabas na ng bahay niya.

Kaya ngayon, laking gulat na lang niya nang makitang umiiyak ang model na hinahanap niya. Malinaw na malinaw sa alalaala ni Mr. Lee na wala siyang sinabing masama kay Lukrecia kaya labis ang pagtataka.

"Why are you crying? May nasabi ba akong masama?" pagsisigurado ni Mr. Lee. Niyuko niya ang ulo niya para makita ang mukha ni Lukrecia pero inilihis lang nito ang paningin sa kanya.

"Miss Lukrecia, if you think I insulted you with my offer then you are getting it wrong. All I want is to offer you to become the face of my company at bukod pa roon ay wala na akong ibang ibig sabihin. Kung nababastusan ka sa condom then sige, okay.... you can decline my offer but I guess it is not appropriate to just walk away after I treated you a dinnner." Mr. Lee explained. He wants to clarify his self to Lukrecia. Baka kasi na-misinterpret siya nito.

L U K R E C I A

     Rinig niya ang paliwanag ng wala namang ibang ginawa kundi ang magpakita ng kagandahang loob na si Mr. Lee.

     Bumuhos ulit ang bugso ng damdamin kay Lukrecia. She hates it. Mabuti pa si Mr. Lee na nilayasan niya ay nagpaliwanag sa kanya. Eh si Dudong? Minahal na niya! Pinakain! Binihisan ngunit hindi man lang nag-explain sa kanya kung bigla na lang itong nagpakasal iba? Ano 'yun? Magic?

     Takang-taka talaga si Lukrecia. Alam niya sa sarili niyang hindi naman siya gaanong kagandahan pero minahal niya naman si Dudong ah! Pero bakit ganun? Kung sino pa ang nagmamahal ng tapat, siya pa ang nada-dyahe!

     Pinatid ni Lukrecia ang heels niyang pangsimba sa aspalto. Inis na inis siya. Hindi lang dahil niloko siya ni Dudong kundi luging-lugi rin siya rito! Halos lahat ng pera ay ibinibigay niya kasi kay Dudong. Kaya nga rin paulit-ulit na lang ang suot niya dahil lahat ng pera niya ay si Dudong kumukobra.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now