C H A P T E R 26

1K 43 15
                                    

New Mommy

AFTER 12 DAYS....

DEMUNYO: Eat your lunch. Huwag kang papagutom para iwas tokhang. <3

Naipadyak bigla ni Lukrecia ang heels ng suot niyang sapatos na pangsimba sa rip raps ng Wilson Academy matapos mabasa ang kakarating lang na text mula kay Mr. Lee.

For 12 days, puro text lang ang naging way of conversation ni Mr. Lee at Lukrecia sa mga oras na may free time sila. Sobrang busy na rin kasi nilang dalawa. Si Mr. Lee, abala sa presscon na gagawin bukas at abala rin siya sa paglabas ng bagong product packaging at television advertisement ng company niya kung saan ay si Lukrecia ang model. Si Lukrecia naman ay abala sa pagpa-process ng enrollment form niya sa Wilson University at pati na rin sa pag-aaply niya bilang part time teacher sa Wilson Academy.

Isang term na lang kasi ang kulang at graduate na sana si Lukrecia ng Bachelor of Arts major in English Communication. Walang board exam ang course na iyon pero puwede siyang magturo sa mga private schools. Kung hindi lang sana niya binigay ang lahat ng sweldo niya kay Dudong ay graduate na sana siya last year. Paunti-unti lang kasi iyong pagkuha ni Lukrecia ng units kaya kahit papaano ay nagagawa niya pa ring umangat ng year level.

"Miss Lukrecia Kamulag...." Mula sa pagkaka-upo sa bench sa quadrangle ng WA ay may lumapit na babaeng staff sa kanya.

Itinaas ni Lukrecia ang mukha niya. Nakanguso siya. Medyo gulat sa kadahilanang kinikilig pa siya sa text ni Mr. Lee tapos ngayon ay bigla-bigla na lang siyang nilapitan ng isang babaeng hindi niya kilala pero alam ang pangalan niya.

"Pinapatawag po kayo ng Prefect of Discipline."

"Ahh, baka sa application ko." Ngumiti si Lukrecia, itinago ang cellphone niya sa shoulder bag at tumayo. "Segi. Marameng salamat!"

Nagsimula na silang maglakad papunta sa isang building. At nang makarating sila sa isang room sa fourth floor ay iniwan na ng babaeng staff si Lukrecia.

Nag-ayos muna si Lukrecia ng sarili. Ni-smack niya ang labi niya para kumintab muli ang lip balm niya, hinawi saglit ang kulot na bangs, inayos ang magulong buhok na naka-ponytail, saglit na pinagpag ang blouse na pink at pinihit ng kaonti ang puting mahabang palda na pang-first holy communion.

Nang pumasok na siya ay mabilis siyang niyakap ng lamig ng aircon. Sa loob ng room na iyon ay makikita natin ang mga sheleves na maraming trophies at plaque of awards. Maganda ang furniture sa gitna at sa may sulok naman ay makikita ang isang table kung saan naka-upo ang isang nakapa-hot na prefect of discipline ng Wilson Academy.

"Hey there?" Mabilis na napalingon si Lukrecia sa may-ari ng boses na iyon. The voice was so cold na tipong kapag naring mo iyon ay mapapahanap ka ng sweater.

"Omo!" Nailagay ni Lukrecia ang kamay niya sa kanyang bibig nang makita ang lalaking iyon.

Natawa naman ang lalaki sa naging reaksyon ni Lukrecia.

"How are you my friend?" Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo sa swivel niya at mabilis na nilapitan si Lukrecia. He was wearing a leathered shoes partnered with jeans and inserted on it is a white sleeves with one button open near the neck. His name's Cupid Lopez. 27 year's old. Teacher/Professor. Kasamahan ni Mr. Lee sa Professional Boys Club. Iyon na lang, minsan lang sila nagkikita. But they know each other.

"Teacher ka na?" Lukrecia asked the guy na nasa harapan niya. Matangkad ito kaya medyo napataas ng bahagya ang leeg niya.

The guy chuckled. Dahil sa singkit na mga mata nito ay saglit na nawala ang brown iris nito. It's adam's apple is also protruding. Bakas sa maliit niyang mukha ang saya nang makita si Lukrecia.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now