C H A P T E R 37

1K 43 5
                                    

Waves

MR. LEE
"Dad, ano ba 'yong itsura ng girlfriend mo?" tanong ni Kid kay Mr. Lee. Nasa loob na sila ng sasakyan ngayon. Nagda-drive si Mr. Lee ngayon habang nakaupo naman si Kid sa tabi niya.

"Mabait siya," Mr. Lee answered instead of answering "Maganda siya". Tumawa si Kid. 'Di niya alam na 'yong Mommy Shark niya pala ang pinagtatawanan niya.

"Hey, hey? Ba't ka natatawa?" tanong ni Mr. Lee. Saglit niyang tinanaw si Kid at pagkatapos niyon ay mabilis niya uling binalik ang tingin sa daan. The road was already dark at tanging mga streetlamps na lang nagbibigay ilaw doon. Medyo maingat na rin si Mr. Lee sa pagda-drive sa kadahilang kasama niya si Kid ngayon.

Kid answered, "Wala Dad. I'm just happy na masaya ka na."

"Thanks son." Ngumiti si Mr. Lee at maya-maya pa ay mas binilisan niya na ang pagpapatakbo sa Audi niya.

It was 7:30 PM nang makarating silang pareho ni Kid sa Soo Jang Min Resto sa may seaside. Ni-reserve na iyon ni Mr. Lee kaya wala ng ibang tao roon maliban na lang sa mga staffs na nafa-final touch na lang sa mga decor at pati na rin ang isang banda ng musicians na nasa gilid at tini-test ang kanilang mga instrumento.

The whole resto has an interior of 10 meters by 15 meters. Malaki na iyon at para kay Mr. Lee at sulit na iyon para sa dinner date nila ni Lukrecia.

There were also scented candlelights on the corners at mas lalo pa iyong naging romantic dahil sa mga petals na nakakalat sa sahig.

"How's it?" tanong ni Mr. Lee sa anak niya.

"Cool Dad. GGWP."

"Sira ka talaga!" Inakbayan ni Mr. Lee si Kid. Dota player din kasi si Mr. Lee kaya alam niya kung ano ang meaning ng GGWP. Good game, well played.

Naglibot-libot lang si Mr. Lee at Kid sa buong resto habang hinihintay ang pagdating ni Lukrecia. Minsan, nagpupunta sila roon sa may bench kung saan tanaw nila iyong dagat na niyayakap ng gabi. The whole place was so solemn. Wala silang ibang naririnig bukod sa mga violinist na tumutugtog at pati na rin ang mga paghampas ng haplos ng alon sa ibabang pader ng resto.

"Ahh, dad? Okay lang ba kung saglit akong pumunta roon?" tinuro ni Kid ang seawall na nasa may right side.

"Sige, basta bumalik ka lang agad."

Mr. Lee watched Kid's steps nang lumabas ito ng resto at magpunta roon sa sea wall.

Noong medyo nakalayo-layo na si Kid at halos hindi niya na matanaw ay napagdesisyunan ni Mr. Lee na tignan ang kanyang relos at nang makita nga niya na lagpas na alas-otso ay mabilis niyang tinawagan si Lukrecia.

It rang three times at pagkatapos niyon ay narinig niya ang boses ni Lukrecia sa kabilang linya.

"Helu?"

Napangiti si Mr. Lee.

"Hello? Lukrecia? Where are you? Gusto mo bang sunduin kita?"

"Ay huwag na Demunyo, malapit na rin naman kami."

"Sige."

"Okay."

"I love you Lukrecia."

"I lo---,"

Nag-end call bigla si Lukrecia. Kumunot naman ang napaka-guwapong noo ni Mr. Lee.

After some heartbeats, napagdesisyunan na ni Mr. Lee na bumalik na sa loob. He also texted Kid na bumalik na rito sa resto.

Makalipas pa nga ang ilang sandali, nakita na ni Mr. Lee sa may kalsada ang isang taxi na huminto roon.

Kumabog bigla ang puso niya. Right there, he saw Lukrecia went out from the taxi.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon