C H A P T E R 30

1K 37 6
                                    

Pyer

"Sino 'yun?" Kid asked Lukrecia. Tinutukoy niya iyong kausap kanina ni Lukrecia sa cellphone nito.

"Ah eh---" Ngumiti si Lukrecia. Sasagot na sana siya na si Mr. Lee iyong kausap niya na owner ng Feel Free company kung saan ay siya ang bagong model ng packaging at ng advertisement kaso hindi iyon nagawa ni Lukrecia sa kadahilanang medyo na-distract siya sa ayos ni Kid ngayon. Puting kumot lang kasi talaga ang nakabalot sa malambot nitong katawan.

"Behis ka muna," ani Lukrecia, may bahid ng pagkailang sa boses niya. Iwas din ng kaonti ang kaniyang tingin.

Namula naman si Kid, "Paano ako magbibihis, e tinggalan mo ako ng damit kagabi? Wala ka naman sigurong ginawa sa akin 'di ba? Pero kung nakita mo 'yong akin, okay lang, wala namang kaso sa'kin 'yon kasi circumcised naman na ako." Nag-pout si Kid. Nakaupo pa rin siya ngayon habang nasa v-line niya iyong puting kumot. Sanay na rin kasi talaga siyang makitaan. Kapag naiihi kasi siya sa kama niya, iyong Dad niya minsan ang nagpapalit a kanya ng undies.

"Ah! Hendi nu, wala akung naketa. Pomekit aku habang tenatanggal 'yung damet mu. Basang-basa ka kasi kagabe at nagaalala aku na baka mas lalu ka pang lagnaten kaya 'yun! Tenanggal ku." Pinadyak ni Lukrecia ang paa niya sa sahig habang awkward na natatawa. Naalala niya bigla iyong oras na tinanggal niya iyong damit ni Kid. Namula bigla si Lukrecia.

"May ikstra akong damit ng juwa ku dati epaheram ku na lang sa'yu!" dagdag ni Lukrecia.

Pupunta na sana siya ng kuwarto niya pero bigla siyang napahinto nang tawagin siya ni Kid, "You have a boyfriend?"

Ngumiti si Lukrecia, "Dati, miron."

Tumango si Kid. "How about ngayon?"

"Miron din."

Naiwang tulala si Kid. Parang binagsakan siya ng langit. Ang hindi niya alam ay iyong bagong boyfriend pala ni Lukrecia ay ang mismong Dad niya na si Mr. Lee.

Kahit medyo masakit ang ulo ay tumayo pa rin si Kid. Naglibot-libot siya saglit sa salas. Sa may dingding, nakita ni Kid ang mga picture frames kung saan naroon ang mga pictures ni Lukrecia at ang ex nitong si Dudong.

Hindi pa natatapos si Kid sa pagtitig sa mga frames ay nilapitan na siya ni Lukrecia na kinagulantang niya.

"WHOAA!" gulantang na ani Kid. Napahawak siya sa kaniyang chest.

Naipadyak naman ni Lukrecia ang paa niya sa sahig habang tumatawa. "Sabe ku na nga ba ih, magugulat ka mokha ku."

"I'm sorry, nagulat lang talaga ako. I didn't mean to offend you," eksplika ni Kid.

"Uki lang nu! Sanay naman akung maraming nagugulat sa mokha kung itu!"

"Grabe ka naman." Natawa si Kid.

"Oh itu, suotin mu na! Andun 'yug banyu!" Ngumuso si Lukrecia sa kanan at napanguso rin si Kid.

"Ahh, okay. Thanks." Tumakbo si Kid papunta sa banyo.

Naiwang natatawa si Lukrecia. She's glad that her patient right now is already okay. Medyo malungkot nga lang siya kasi hindi tuloy ang presscon ngayon araw tapos medyo kabado pa rin siya kasi nga nawawala pa rin iyong anak ni Demunyo A.K.A Mr. Lee. At ang hindi alam ni Lukrecia na ang nawawalang anak ni Mr. Lee ay nasa bahay niya pala. Gagu talaga 'yong writer eh.

Nag-prepare na si Lukrecia nang makakain nila. Nagluto lang siya ng hotdog at scrambled eggs.

Sa maliit na table na nasa kitchen, nagsalo-salo silang dalawa ni Kid.

"You're living alone here?" tanong ni Kid.

Tumango si Lukrecia.

"Kailan pa?"

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now