Chapter 3

493K 19.8K 13.3K
                                    

If you're going to tweet about this story, please use the hashtag: #GarnetAcademy. Not to trend, but for me to see your tweets/reactions. Hehe. Enjoy!

Chapter 3

Commander

Halos malaglag ang panga ko sa huling pangungusap na binitawan niya. Tama ba ang rinig ko? He's the student body president?

Shit!

Sinuklay niya ang kanyang kilay gamit ang mga daliri niya. Hindi ko naman maiwasang hindi makita ang kamay niya. He's veiny hand is so manly!

He suddenly eyed me. "Scared now? Are you going to punch me again?"

Hindi ako nakapagsalita. Nararamdaman ko ang panginignig ng tuhod ko. Kung ako si Beatriz Paige Santiago ngayon, malamang ay tinaasan ko lamang siya ng kilay. Pero bilang Paige Manuel, wala akong magawa kung hindi ang humalikipkip. Damn it!

I can't help not to feel scared. This guy in front of me is a Flamma, and the president of the whole school. I'm in trouble!

"Next time, kung sasapakin mo ako, abisuhan mo ko. Nabibigla ang guwapo kong mukha." aniya at saka nagpakawala ng isang mayabang na ngiti!

Sasagot na sana ako nang biglang may isang babae ang sumulpot sa gilid ni Kairon. Her jet black hair is so shiny. She looks powerful with her deep set eyes, full lips, and pale skin.

"Kai, kanina ka pa namin hinahanap. Hindi makapagsimula ng meeting ang Flamma dahil wala ka pa." anito. Tunog masungit na may halong panlalambing ang kanyang boses.

Kairon threw me dagger looks and then walked away. Agad namang sumunod ang naiwang babae.

Saka lamang ako nakahinga nang wala na silang dalawa. For sure, Flamma rin iyong babae na iyon.

"Paige!" Muntik na ako mapatalon sa pagtawag ni Lia sa akin.

"Nakakagulat ka, Lia!" sita ko.

Hinawak hawakan niya ako at tila inuusisa. "Ano? Anong nangyari? Sinaktan ka ba?"

Agad akong umiling. "Okay lang ako, Lia."

She released a deep breath. "Ano bang ginawa mo? Bakit parang pinag-iinitan ka ng Commander?"

"Co-commander?" nauutal kong pagkukumpirma, sabay nang pagkunot ng aking noo.

"Oo, si Kairon Gonzalez! Siya ang presidente natin dito sa school... Meaning, siya rin ang Commander. He has the power to give orders. Kaya halos lahat ay takot na bumangga riyan. Lalo na ang mga nasa mas mababang Casa."

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Lia.

"Wa-wala naman akong ginawa, Lia. Siya nga itong may ginawa, eh! Tinapunan niya ako ng kape noong unang araw kaya sinigawan ko siya... Tapos ito na." saad ko.

Hinagod naman ni Lia ang aking likod.

"Sana makalimutan niya na lang agad ito. Baka kung ano pa kasi ang gawin no'n pag natripan niya."

"Lia naman! Mas lalo akong kinakabahan sa mga sinasabi mo, eh."

"Sabihin mo kaya ito kay Beau? For sure he can do something about it." anito.

Agad akong umiling. Dahil una, si Kuya iyon. Yari ko. Pangalawa, yari talaga ako. All hell will break pag nalaman niyang sinapak ko ang Commander!

"Ayaw ko nang istorbohin pa si Beau para lang doon. Okay lang ako." sabi ko na lang kay Lia na mukhang kumbinsido naman.

"Alam mo bang si Beau ang dating president? Pero nang pumasok si Kairon, siya na agad. Tapos naging vice president naman si Beau. Pero ang alam ko may say pa rin naman siya sa rules. Narinig ko iyon sa meeting ng officers last time."

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now