Chapter 48

299K 13K 14.8K
                                    

Chapter 48

Pie

Zumba. Can you believe it? The Commander Kairon Gonzalez asked for a Zumba?!!

What the freaking hell?

Halos nalaglag ang panga ni Sir G pero wala rin naman siyang nagawa at agad nag change of plans.

Ballroom to Zumba real quick!

Nagkaroon kami ng vacant time kaya naman kumain na lang kami ni Jax. Ang susunod naming klase ay iyong sa self-defense class. I'm kind of excited and nervous all at the same time!

-

The ring feels nostalgic. Ang daming kong mga naalala. Napalunok ako nang tumungtong na ang Propesor namin sa gitna no'ng ring.

So he'll teach us some new punch moves and then later on we need to perform it.

"Flammas first." anang Professor namin matapos magturo. "So hindi naman na kailan pa itong pagdesisyunan. Apat lang ang Flamma sa klase ko kaya syempre, boy to boy at girl to girl tayo. Kairon and Jaxith, Paige and Stephanie." saad ni Prof.

Halos mabilaukan ako. Akala ko naman pwedeng pumili ng makakapartner! Damn!Bakit kailangang siya na naman!

At teka Jaxith and K-Kairon? No freaking way!

"Of course, ladies first." katakatakot na sabi ni Sir.

Hindi naman ako natatakot kay Stephanie. Talagang ayaw ko na lang na mapalapit pa sa kanya. Baka mapatay ko pa siya roon sa ring... joke!

"Paige and Stephanie, please come up." anang Prof habang may isinusulat doon sa hawak niyang mahaba at kulay blue na class record.

Hindi ako makagalaw. "S-sir, pwede po bang kami na lang ni Jaxith?"subok ko sa Propesor.

Baka lang naman pwede!

Jax ruffled my hair. "Gusto mo lang manalo, eh. Alam na alam mong pagbibigyan kita."

"Yieeeee!" tilian no'ng mga nasa likuran namin.

Umuwang naman ang bibig ko. It's so awkward! Bakit sila nagtitilian sa amin? We're just friends!

Pinandilatan ko ng mata si Jaxith. Panira ng diskarte! Pero sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya na si Kairon iyong ex ko, eh.

"Exactly! Kaya ganyan ko kayo pinares." dagdag pa ni Prof.

Si Stephanie naman ay nasa ring na. Chin up and acting all mighty.

Malalim akong huminga. Wala na ata talaga akong choice!

"Get it. I know you'll win." ani Jax at ngumiti.

"Maybe she's scared, Prof." taas nong sabi ni Stephanie.  "Natakot ka na ba dahil sa huling duwelo natin?"

Hell no!

"Sino ba ang umiyak?" giit ko, umakyat na rin sa ring. She's triggering me!

If she wants a fight, then I'll give her a good one.

"Sino ba ang binuhat niya?" she answered back and I winced.

Really? She'll put it that way?

Hindi ko alam kung bakit nanunuot ang hapdi sa dibdib ko. Tandang-tanda ko kung paano siya binuhat ni Kairon noon at inilabas sa ring na iyan. I freaking saw it all!

At malamang ay purong kasinungalingan lang ang lahat ng mga sinabi ni Kairon sa akin... Na hindi niya raw alam na ako ang kalaban ni Stephanie. Na hindi niya raw ako nakita. Na ako raw ang priority niya. Bullshit! Liar! User!

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon